•SAFIRO BALMORES MONTESALVE•
“Sabi ko naman kasi sayo wag kang mag sosuot ng ganyan kaikling short sweety eh” -inis na sabi sa akin ni harristone, habang nakatingin pa ng masama sa mga lalaking nadadaanan namin habang papasok ng mall.
“hayaan mo na po heneral hindi naman nila mahahawakan ehh.” -malambing na sabi ko sa kanya at bahagyang sinusundot pa yung tagiliran niya.
“anong hayaan tingnan mo yang mga lalaki nakatingin sayo parang gusto ka na nilang kagatin eh, pag ako talaga nabwisit ng mga gagung yan sasapakin ko yang mga yan.” -galit na sabi niya at tinuturo pa yung mga lalaking nakatingin sa amin.
“ang OA mo ikaw din naman bumili neto, at saka bantayan mo na nga lang mabuti yang anak mo at baka mawala pa.” -nguso ko sa anak namin na palinga lingang tumitingin sa paligid.
pero nagitla ako ng biglang pumulupot yung kamay niya sa bewang ko at itinali niya don yung jacket na suot-suot niya kanina, tinaasan ko siya ng kilay at akmang aalisin ko sana yung jacket dahil naiilang ako pero pigilan niya ako at sinamaan ng tingin.
“Just wear! kung ayaw mong magkagulo ang buong mall.” -seryosong banta niya sa akin at saka niya ako hinapit papalapit sa kanya, napa buntong hininga na lang ako at wala na din naman akong magagawa, dahil alam kong tototohanin yun ng bugok na heneral na to.
“Dadi! Dadi! gusto ko nong robot na yun please.” -turo ng anak namin don malaking robot na kasing tangkad niya na naka display doon sa may toys section.
“okay! baby as you wish!” -saad niya sa anak namin at bahagya pang ginulo yung buhok nito.
“yeheyyy thank you Dadi! tara na po bilis baka mauhan na tayo.” -magiliw na saad niya sabay hatak niya kay harristone kaya naman nasama din ako kasi nakakapit parin si harristone sa bewang ko. na parang wala na nga ata siyang balak bitawan eh.
“Ano pong atin heneral?” -malambing na tanong ng saleslady kay harristone, kaya naman napakunot ako ng noo dahil parang may na sesense ako na kalandian sa tono ng pagsasalita ng bruhang to.
actually si harristone ang may ari ng mall na to kaya kilala siya lahat ng mga empleyadong nagtratrabaho dito at talagang bigating tao ang hayup eh.
“Kukunin namin yung Robot na nakadisplay sa harap miss.” -palinga lingang sabi ni harristone na hindi man lang niya tinapunan ng tingin yung saleslady.
“Ok po heneral.” -at tinignan pa talaga ako ng saleslady.
kaya naman tinignan ko din siya mulo ulo hanggang paa at saka ko siya inirapan kaya naman nagulat siya.
“ohhhh ano miss tatayo kana lang ba jan o gusto mong kami pa ang gumawa sa trabaho mo?” -pataray na tanong ko sa kanya kaya naman dali dali siyang umalis para asikasuhin yung binibili namin. pero narinig ko pang humagikgik si harristone sa tabi ko kaya naman nilingon ko ito at sinamaan ng tingin.
“anong tinatawa tawa mo jan huh?” -pataray din na sabi ko sa kanya.
“wala ang ganda mo pala sweety, pa kiss nga” -saad niya habang nakanguso pa sa akin.
“sapak gusto mo?” -sabay irap sa kanya.
“mimi! sinasapian po ba kayo, kasi kanina ko pa po kayo nikikitang tumitirik ang eyes niyo ehh?” -nag aalalang tanong sa akin ng anak ko, kaya naman biglang tumawa si harristone ng napalakas, kaya lahat ng tao ay sa amin na papatingin.
“hayyyyssss ewan ko sa inyong dalawa nakakabwisit kayo! hmmp jan nanga kayo at magpapa salon muna ako dahil nakaka stress kayong mag ama eh.” -inis na sabi ko sa kanila saka ko tinanggal yung kamay ni harristone sa bewang ko.
“wait sama kami balikan na lang natin mamaya yung robot ng anak natin”. -pigil niya sa akin.
“wag na! maglibot na lang kayo jan baka may gusto pang bilin yang biik na anak natin at saka pahingi na din ng pera dahil wala akong pera.” - at saka ko inilahad yung kamay ko sa kanya, kaya naman napakamot pa siya ng ulo at dinukot yung wallet niya sa bulsa at inabot sa akin yung itim na ATM card niya.
“birthday mo at birthday ng anak natin yung pin.” -nakangusong sabi niya.
“Thank you!” -nakangiti kong sabi sa kanya. at hinalikan ko pa siya sa pisnge kaya naman natulala siya, at saka ako umalis papalayo sa kanila ng natatawa. akala mo kasi siyang nakakita ng nakahubad na babae dahil naka nga-nga pa ang loko hahaha.
————
“Sis! anong ipapagawa mo?” -tanong ng baklang stylish sa akin ng makapasok na ako sa loob ng salon.
“mag papagupit at magpapakulay lang sis.” -nakangiting sagot ko sa kanya, kaya naman tumango ito at saka niya ako inassist.
“ayyy sis anong gamit mong hormones?” -tanong niya sa akin kaya napakunot ako.
“natural to! gaga” -natatawang sabi ko.
“ayy sana all” -habang nagdadabog pa.
kaya naman nagtuloy tuloy lang kami sa kwentuhan habang kinukulayan niya na ang buhok ko ngayon, dahil tapos na niya akong gupitan.
pero nagulat ako ng bigla itong tumili ng pagkalakas-lakas kaya nakuha niya yung atensyon ng mga costumer dito sa salon.
“ohhhhhh myyyyy goddd si Heneral my lovesss!!! nandito” -tili niya ni bakla habang nagpapapadyak pa.
kaya naman sumulyap ako sa pinto at nakita ko si harristone na papalapit sa akin na may malawak na ngiti habang karga karga pa yung anak namin.
“wahhh ohhh my god papalapit na siya akin tulungan niyo ako.” -naglulupasay na saad ni bakla sa tabi ko.
pero natigil siya at bigla nanlaki yung mata niya ng lumapit sa akin si heneral at humalik sa pisnge ko, at lahat din ng tao dito na sa salon ay biglang nagsitilian na akala mong kinikilig.
“Sweety! bakit ka nagpapaganda baka mas lalong dumami yung mga lalaking nagkakainterest sayo niyan, ni hindi ko pa nga nakukuha yung mga pusong humahabol sa akin.” -inis na sabi niya habang nakanguso, kaya naman natawa na lang ako sa itsura niya para kasi siyang batang inagawan ng laruan.
“Dadi sinasapian din po kayo? dahil si mimi po tumitirik ang eyes, tas kayo naman po ay lumalaki ang nguso.” -basag ng anak namin sa pag iinarte niya, at nagtawanan lahat ng tao dito sa salon pati na din ako, kaya biglang namula yung buong mukha niya sa hiya.
“SHUT UP!” -galit na sigaw niya, kaya natahimik lahat pero hinampas ko siya sa braso at sinamaan ng tingin, kaya naman bigla siyang bumusangot muli.
“Umupo muna kayo don ng anak mo at patapos na din ako.” -turo ko sa sofa dito sa salon, kaya napatango ito na nakabusangot pa din ang mukha habang naglalakad para maupo, kaya muling natawa na lang ako sa pagiging isip bata ni harristone.
“nako sis bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw pala yung asawa ni Heneral hmmmpp halika ka na nga banlawan na natin yang buhok mo” -nagdadabog na sabi niya pero nginitian ko na lang siya.
——————
“Mga gagu! wag niyong pagnasaan yung asawa ko mga hayup kayo!” -galit na sigaw niya sa mga binatang nakatingin sa akin, kaya naman nagtakbuhan sila, dahil sa takot kay harristone kaya naman mas lalong hinapit ni heneral yung bewang ko na akala mong aagawin ako.
“Mimi what is Gagu?” -naguguluhang tanong ng anak ko.
“ahhh anak wag mo ng isipin yun hehehe” -saka ko tinignan ng masama si heneral, pero nagkamot lang to ng ulo habang nangingiting pilit.
“Dadi pwede ba bili muna tayo ng hiken at pagetti sa bubuyog na pula na malaking tiyan bago tayo umuwi please.” -saad ng anak namin sa kanya habang nagpapa cute kaya naman tumango na lang si heneral at nginitian siya.
“yeheyyyy lalaki naman tummy ko at magiging biik na naman ako.” -natutuwang sabi ng anak namin kaya naman natawa na lang kaming dalawa ni heneral, at saka siya tumitig sa akin.
“f**k! ang ganda mo sweety, gawa na kaya tayo ulit ng bunso ko.” -malambing na bulong niya sa tenga ko, kaya naman pinakitaan ko siya ng kamao ko at pinalakihan ng mata.
“hehehe! sabi ko nga hindi muna ehh” -nalulungkot na sabi niya.
“Mami! Dadi! kailan niyo po ako bibigyan ng mga little bro para naman may kasama na akong maglaro ng basketball, kasi narinig ko po sa inyo na gagawa na po kayo ng bunso?” - masayang tanong ng anak anak namin. bigla akong napaubo bahagya pero itong katabi ko napakalawak na ngayon ng ngiti akala mong naka shabu ang itsura.
“hahaha soon baby! pero dadahan dahan ko muna si mimi mo para hindi siya mabigla.” -nakangising sabi niya at kinindatan pa ako sabay dila sa ibabang labi niya, kaya naman pinamulahan yung mukha ko.
“so let's go na sweety! para makarami na tayo hahaha” -sabay hila sa akin ng mabilis palabas ng mall.
——————————————
•SOMEONE POV•
“Lubos lubusin munang maging masaya heneral kasama ang pamilya mo, dahil lahat ng ginawa mo sa akin noon ay ibabalik ko sa anak o sa asawa mong si Safiro hahahaha” -natatawang sabi ko habang nakatingin sa kanilang tatlo sa malayo.