
Ako si Aly. Alysa Yuson..
23 years of age..
4th year college na sa pasukan.
One year nalang tapos na ako.
And Hayahay na!
"Hey Aly!!"
Tinatawag pala ako ni Elly. Bestie ko at classmate since first year.
Sabay kaming papasok sa first day of class. Lagi naman ganun taon taon na.
"Ano kaya sched natin?" tanong nya sa akin habang naglalakad kami papasok ng hallway.
"Medyo maluwag na kasi konti nalang subjects natin."
"Sana hindi na natin prof si Sir Vlad. Natatakot ako dun."
"Oo nga eh. Palagi nalang nagbibigay ng damakmak na gawain yun ,pinepressure pa tayo. Tapos pinapahiya pa tayo.. "
"Uh huh! Gwapo nga bad naman ng ugali. Kaya wala pang girlfriend eh."
Natawa ako. Medyo totoo nga.
28 years old na si Sir Vlad. True na gwapo sya at napaka irresistable, attorney pa sya, at professor din sya sa university. Much focus lang sya sa course namin kaya ang malas kapag sya ang prof namin.
Huminto si Jelly. Nasa harap na pala kami ng bulletin board.
"Check mo nga Jelly! Hindi ko makita!"
"Patangkad ka kasi."
Tinawanan ako ni Jelly. 5'2 lang ang height ko. Pero parang ang liit liit ko.
"Best!! Patay tayo!!!"
"Bakit?"
"3 major subjects natin kay Sir Vlad kasama na yun sa thesis natin!"
Namutla ako. Anak ng-
"Naku best! Delikado tayo nyan!"
"Oo nga! Lagot tayo. Akala ko hayahay na tayo hindi pa pala!"

