"Thank you! " sigaw ko matapos kong tugtugin ang piece.
Tumayo ang mga teachers pati sila Eros at nag palak pakan. Naglakad paakyat ng stage ang Principal kasama ang mga bisita. Unang nag salita ang principal at sinabi ang lahat ng mga gagawin at itatayong ibang mag facilities sa UNI na sponsored ng Torrejas Corp. Nang tinawag at Ipinakilala na niya si Eros ay agad nag hiyawan at nag tilian ang mga teens sa stadium.
Saglit lang siya na nag paliwanag ng tungkol din sa renovations at upgrade ng paaralan.
Nag bigay din siya sa mga business students ng payo kung sakaling mag tatayo ng sariling negosyo.
"Someone reminded me to always think about others before yourself. Dahil kung makakasama sa nakararami ang mga ikikilos mo maaring magdulot din ito ng ikababagsak ng negosyo mo" napangiti ako sa sinabi niya. Nag pasalamat uli siya at nag paalam narin sa lahat.
Maraming mukhang nalungkot sinabi rin n'ya na babalik siya ulit.
Naramdaman kong nag vibrate ang Phone ko kaya agad kong sinagot ito baka parents ko ang tumatawag.
"Hello"sabi ko.
"Hi it's me"
"Oh Eros? Yeah why did you call?"
Hinanap ko siya sa mga tao. Nakita ko sila ng mga kasama niya na nakatayo malapit sa gate nakatingin lang siya saakin.
"Nothing nag try lang ako baka kasi mali yung number na binigay ng parents mo."
"Ok....so do you like it?" Sana nga nagustuhan niya.
"Yes...I never thought that you could sing."hindi ako mapakali sa sinabi n'ya noong bata pa ako I used to bite my nails whenever I'm nervous, tulad ng ginagawa ko ngayon.
"T-thanks"
"Welcome...I need to go now baka late na ako makakauwi mamaya padiliver ka nalang ng pizza or something ok?"
"Uh..yeah..ok bye" pag baba ko ng tawag tinignan ko ulit sila, nakita ko na paalis na ang mga sasakyan nila. Bigla kong nakarinig ng tikhim kaya hinarap ko iyon.
"Ate shawn bakit?"
"Sooo Eros huh? Akala ko ba hindi kayo nag-uusap?" Sabi niya at ngumisi.
"Hindi naman talaga ah! at saka siya kaya ang tumawag sakin"
"Just be carefull though, baka ma fall ka" sabi niya saka ngumisi.
"Ako? Tsss! ate naman kilala mo ko hindi ako madaling mauto. Tsaka si Eros? Never as in never ever period".
"Hindi mo masasabi iyon Cj. Kami nga ni Justin diba since birth hindi na kami mag kasundo, but look at us now." Naalala ko pa dati, kaming tatlo nila France at Janice ang taga awat sa kanila kada mag aaway ang dalawa.
"Ate naman e! sa dami dami ng pwede mong itambal sakin yung isang iyon talaga? Ok ka lang? e gurang na yun!" Natawa lang siya habang umiiling.
"Hay..bata ka panga talaga, soon malalaman mo rin" sabi niya at tumawa.
"Alam mo gutom lang yan di na kita magets eh"
"you used to be his shadow back then"
Hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil nag lakad na ako palayo para mag hanap ng makakain, siya naman ay nag madaling pumunta kay kuya Justin may binulong siya dito kaya na tawa ito at tumingin sakin.
Huh? Anu bang meron?
Nababaliw na nga ata sila. Sinu bang tanga papatol sa lalaking iyon.
Well marami nga naman.
Hanggang sa matapos ang lahat ng mga subjects ko iniisip ko parin ang sinabi ni ate Shawn. Naguguluhan na nga ako di ko sila magets anu bang dapat kong malaman?
Kainis na ah!
Pagkadating ko sa mansyon tahimik nanaman. Nakaka bored na, kaya kung anu-ano nalang ang ginawa ko doon. Skate board paikot ng sala or kitchen, tutal malawak naman ang buong bahay. Noong napagod na ako naisipan ko nalang na manood sa sala hanggang sa makatulog ako doon.
Naramdaman ko nalang na parang may gumigising sakin pero hindi ako nagmulat ng mata dahil sobrang inaantok talaga ako.
Baka si daddy lang.
Kaya di na ako bumangon misan kasi pag nakakatulog ako sa sala binubuhat nalang niya ako papunta sa kwarto ko.
"Dy! Dito nalang ako"
Bumuntong hininga nalang siya at binuhat ako, siniksik ang mukha ko sa leeg niya.
Mayamaya naramdaman ko na ang malambot na matress sa likod ko. Inayos niya ang kumot ko at hinimas ang buhok ko.
"Goodnight Celeste"
Sa panaginip ko, may naramdaman akong mainit na labi na humalik sa noo ko at sa labi ko. It feels so good i tried to touch whoever it was gusto ko rin siyang makita, ngunit wala akong kontrol sa aking katawan at ulirat.
And sometimes pagnanaginip ang isang tao kadalasan nalilimutan nila iyon sa pagmulat kinabukasan, maybe naalala pa natin ang pakiramdam but never the scene in our dreams that made us felt that way.