Pag dating ng sunday puro pamamasyal lang ang ginawa namin- I mean ako lang pala. Kasi kahit magkasama kami phone lang niya ang parati niyang kausap. Kaya hinayaan ko nalang siya at nag enjoy nalamg ako mag-isa.
Nang kinagabihan bumiyahe na kami pabalik sa Manila. Mga 8:00pm na kami nakarating ng Mansyon. Nag pahinga naman s'ya agad mukha kasing pagod na pagod s'ya. Hanggang 11:00pm ay nag practice ako para bukas tinawagan ko rin sila Ate shawn, France at Janice para kamustahin sa preparations at sabihin na naka balik na ako. Tapos noon ay agad na akong dinalaw ng atok.
Maaga akong nagising at pumasok para makatulong manlang sa mga ka members ko. Tulog pa siya nung umalis ako wala kasing lutong breakfast sa kitchen, na parati niyang ginagawa so baka tulog pa siya.
"Anung oras ba dating ng mga taga Torrejas Corp?" Tanong ko kay ate shawn.
"Kasama mo siya ah? Di mo tinanong?"
"Ate naman wag kang maingay! Sabi ko nga sayo bihira lang kami mag usap nun diba?"
"Ok ok. Mamaya daw 12:00nn, hanggang 2:00pm lang sila dito kaya dapat daw ma entertain talaga sila para sulit ang oras, dahil ginto daw ang oras ng mga iyon"
Tsss ginto! So? mas mahalaga pa oras ko sa mga iyon imbis na sinasayang ko kaka practice para sa kanila, sana nag c-charity work nalang kami sa shelter mas usefull pa!
Dumating nga ng 12:00nn ang mga bisita. Unang lumabas sa limo ay si Eros kasama ang secretary niya, kaya agad nag tilian ang mga teens na students ng school.
Nilibot muna sila ng Principal at ng Vice sa mga facility at iba pang mga parte ng school. Tapos noon ay sinimulan na rin ang program buti nalang may mga body guards na kasama sila Eros kundi nakuyog na siya ng mga college at ibang highschool students na halos himatayin nung makita siya tsss booo! ang O-OA nyo!
Ang last na part ng program ay ang akin. Umakyat si Ate Shawn sa stage para ipakilala ang mga officers ng student council. Pagkatapos ay nag simula na ang unang performance.
Sunod sunod iyon. Una yung ay ang representative ng kinder, sunod ang sa Elementary. Ganun din ang sa high school students. Ibat-ibang performance ang ipinakita nila, may mga sumayaw at kumanta Ang representative naman ng college students ay ang all star group dancers ng UNI kung saan kabilang si Stacy at ang aking band. Maraming nag hiyawan at namangha sa mga moves nila.
Umakyat uli si Ate Shawn sa stage para ipakilala ang last performance which is yung band namin. Nakita kong kinausap ni Eros ang Principal at akmang aalis habang isa isang ipinapakilala ni ate shawn ang mga kakanta.
"Please welcome the Vice pres. Of the student council miss Celeste Jone Madrigal together with her band The INRI!!" Lalong lumakas ang hiyawan ng lumabas kami ng stage. Napansin kong nakatingin sakin si Eros na nakaupo na ulit sa upuan niya.
"Hello MNU!! Don't worry patapos na ito" nagtawanan ang mga studyante.
"sana di kayo ma bored! But I'm Pretty sure you'll all enjoy this!" Biglang tumugtog ng Intro ang banda kaya nag hiyawan lalo ang mga tao.
"Sa hindi Inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
Ay minsan lang na nagdugtong
Damang dama na ang ugong nito.."
Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa nag tama ang mga mata namin Ni Eros. Parang may kakaiba sa kanya ngayon pag tinitignan niya ako ng ganyan nakangisi siya, ngayon parang may malalim siya iniisip hindi ko maintindihan.
"Ba't di papatulan
Ang pagsuyong na kulang
Tayong umaasang hilagat kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan ko."
Hindi ko na kinaya ang bigat ng titig niya sakin parang tumatagos hanggang kaluluwa ko kaya pumikit nalang ako.
"Saan nga ba patungo
Naka yapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay...
Dinadala ako sa init ng bisig mo.."
"Ba't di pa sabihin ang hindi mo maamin Ipa uubaya
Nalang ba to sa langit
Wag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo..
Naririto akong umiibig sayo...
Oh oooooh oooh
Oooh ooh oh ooh...
Kasabay ng hiyawan ng mga tao ay ang pag bukas ko ng aking mata. Naka ngiti siya sakin, yung walang halong ngisi as in totoong ngiti. Ngayon ko lang siya nakita ng ganyan. Parang ang hirap huminga sa sobrang bilis ng heart beat ko.
Bakit ako biglang kinabahan?
Agad akong nag salita para maalis ang nararamdaman ko nag iwas ako ng tingin sa kanya at binaling sa mga studyante.
"Gusto nyu pa ba!?" Maraming nag sigawan ng "Oo" and "Yes". Kaya napangiti ako.
"Uhm. On behalf of all the students of MNU University Thank you Mr. Torrejas for being here today it's really a pleasure. Anyway last na ito! I'm playing an Instrumental, cause someone I knew who is here today liked this kind of music so..here we go!"
Umupo ako sa harap ng piano tumahimik ulit ang mga sumisigaw. Nag palakpakan sila ng sinimulan ko ng tugtugin ang ( maybe by: Yiruma ).