Chapter #10

1177 Words
Sabi ni Eros sa akin kagabi isasama niya daw ako sa pupuntahan niya para daw di ako ma bored. Pagkagising ko dumiretso ako sa shower at naghanda narin. Nasa hagdan palang ako amoy ko na agad ang niluluto niya naramdamman ko rin ang pagkulo ng tiyan ko. Naka black slacks siya at white longsleeve button down naka tucked in iyon sa pants niya at naka fold ang sleeves na hangang ibaba ng siko niya. Parang nahiya tuloy ako sa suot ko na usual jeans and white top kita rin naman ang hugis ng katawan ko at brown jacket. Hindi ako mahilig sa mga accessories madalas yung bracelet lang na niregalo ni Janice at ang Gold necklace na may pendant heart at may letter C sa gitna ang suot ko. Pero madalas ko itong ipailalim sa damit ko, uso kasi ngayon ang mga nang hahablot, tska mahalaga ito nasa akin na kasi to baby palang ako. Tapos naming kumain sinuot niya ang coat niya na mie dnight blue na midnight blue at lumabas na ng suite. Saglit akong pumunta ng kwarto ko at kinuha ang binili kong makapal na nerd glass at maiksing wig na kakulay ng buhok ko, kinabit ko iyon saka bumaba,. Ipinag taka naman niya ito. "Celeste? Anu nanaman ba yan!?" "Wig! At salamin" Sabi ko in a 'Duh' tone "I know! Bakit ka naka ganyan?!" "Ang dami-dami mo kayang stalker na paparazzi, eh kung makunan ako na kasama ka? Magugulo pa buhay ko masmabuti na yung ganto noh!" Umiling iling nalang siya. Bumaba kami pa puntang lobby, may babae siyang nilapitan sexy iyon at maganda parang model. Pinakilala niya ako sa babae as a family friend daw, nalaman ko rin na secretary niya pala iyon. Hinatid kami ng secretary niya sa isang black audi naka parada sa harap ng hotel. "San ba tayo pupunta?" Tanong ko habang tumitingin sa mga dinadaanan namin. "Sa isang restaurant malapit sa strawberry farm" tumango lang ako. 15 minutes lang siguro ang biyahe ng huminto ang sasakyan sa isang exclusive na restaurant. Nagulat ako akala ko simpleng resto lang ang pupuntahan namin kasi sa farm? "Akala ko ba farm pupuntahan natin?" "I said a restaurant near the farm, c'mon" sabi niya at lumabas sumunod naman ang secretary niya, ako manan ay nag lakad palayo sa kanila papunta sa dereksyon kung nasaan ang farm. "Celeste! Where do you think you're going?" "Kung alam ko na sa ganyang lugar tayo pupunta sa nagpalit ako ng suot. Baka sa hagdan palang hindi na ako papasukin!" pinagsalikop niya ang braso niya sa kanyang dibdib tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at nag taas ng kilay. "Wala naman problema sa suot mo, you look beautiful" naginit naman ang pisngi ko sa sinabi niya. "Ewan ko sayo, dun mo nalang ako puntahan sa farm" sabi ko saka naglakad palayo. Mayamaya naramdaman kong may pumigil sakin at kinaladkad ako papasok ng restaurant na parang bata. Haysst! "Huy! Anu ba tinitignan tayo ng mga tao!" I hissed. At pinipilit makawala sa pagkakahawak niya. "Pag hindi ka pa tumigil bubuhatin kita papasok!" Bigla akong natahimik sa sinabi niya at sumunod nalang. Mukaang ubos na ang pasensya nito at seryoso sa sinabi. Glad I'm wearing a Wig! Hinatid kami ng isang crew sa loob ng isang private part ng restaurant. May tatlong lamesa doon sa loob, tuloy-tuloy kami papunta sa lamesa na malapit sa glass window, kita ang bundok na mafog pa mula sa kinatatayuan ko. Mag d-december na kasi kaya ganoon. Tumayo ang matanda na nakaupo din doon at nakipag kamayan kay Eros. Tumingin ito sakin at ngumiti hindi ko alam kung bakit parang magaan ang loob ko sa matanda kaya napangiti din ako. Mga nasa 60 above ang edad ng lalaki. Pinakilala ako ni Eros as a family friend. Napag alaman ko na Mr. Ybarra ang tawag sa kanya ni Eros. Siya siguro ang ka business deal ni Eros. Puro tungkol sa business ang pinag uusapan nila, ako kain lang ng kain lalo na yung croissant na may palamang strawberry jam ang sarap. Kaya na papatingin sakin si Eros at ang matanda dahil sunod sunod ang lamon ko. "uh..uhm So-sorry masarap kasi" natawa si Mr Ybarra. Napa tikhim nalang si Eros para mapigil ang pagtawa "How old are you Celeste?" Tanong ni Mr. Alonzo Ybarra na ikinagulat ko. "Huh? Uh..19 po" "I have a granddaughter ka edad mo siya. I wish she's as cheerfull as you." "Bakit po sinusungitan po kayo?" Natawa siya sa sinabi ko kaya ikiniwento niya ang tungkol sa apo niya. Kawawa naman bata palang daw kasi nung namatay ang mga magulang ng ng apo niya. Parehas din kaming nasa fresmen ng college, tinanong ako ni Mr. Ybarra tungkol sa parents ko kaya sinabi ko ang trabaho nila at kung nasaan sila ngayon. Kada nag sasabi ako tungkol sa buhay ko hindi maiwasan na matawa ng dalawa sa mga kalokohan ko noon nung bata pa kami nila France. Nalaman ko sa usapan nila ang pagwewelga ng mga union sa company ni Mr. Ybarra. "Mabuti kapa Hija, wala kasing interes sa family business ang apo ko. Kaya designer ang kinuha niyang kurso. What would you prefer machine or people?" "People po" simple kong sagot. Mr. Ybarra looked at me na may halong amusement at pag tataka. "Why? Machines are more accurate and it saves you a lot of money and time" sabi ni Eros. Kaya bumaling ulit sakin ang tingin ng matanda. "Part ng business cycle and consumer kung puro machine nalang ang meron maraming mawawalan ng trabaho which is the manpower and kapag nangyari iyon babagal ang ikot ng pera kakaunti ng bibili ng produkto na ginawa ng machines mo due to increasing rate ng unemployed at poverty, but when you use manpower nakatulong ka na sa community mas d-dami pa ang mga possible consumers mo. m Maraming nagagawa ang tao na hindi kaya ng machines like appreciation and diligence, applicable ang puro machines kung monopolize mo ang negosyo na meron ka, which is impossible dahil palaki ng palaki ang populasyon ng bansa and one way or another meron gagaya sa paraan mo Mr Torrejas dahil hindi ka nag i-isa." paliwanag ko habang busy sa pagkain. Tinitigan lang ako ni Eros at hindi na nagsalita pa tumawa naman ang matanda. "What a clever argument you have there young lady!. Thank you I think I know what to do with my dilema" sabi ng matanda at kinamayan ako. "I need to go, nice doing business with you Mr. Torrejas, especially you Celeste hope to see you soon" "CJ nalang po, b-bye! ingat po kayo!" ngumiti siya at umalis narin sumunod naman ang mga guards ng matanda. Pag ka alis ng matanda tumingin ako uli kay Eros nakatitig parin siya sakin. "He likes you a lot maraming mga malalaking company at kilalang tao sa business industry na gustong mapalapit kay Mr. Ybarra pero wala siyang pinansin at nakakuha ng interes niya even me, exept you" "I'm just being friendly. But I take that as a compliment" sabi ko habang tinatapik ang busog kong tiyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD