Chapter #9

1015 Words
Kinabukasan maaga akong pumunta ng school iginugol ko ang oras ko sa pag tulong sa preperations at pagpapraktis ibinilin ko narin sa kanila ang ibang gagawin, buti nalang maayos na at kabisado na ng band ang mga kakantahin pati ang ibang mga sasayaw kaya medyo nabawasan ang pag aalala ko. Sobrang exhausted ako ngayon. "Where have you been 2 hours na akong nag hihintay!" Lalong nag pa dagdag ng sakit ng ulo ko ang sermon ni Eros na to! "Sorry" yun nalang ang sinagot ko, pasalamat siya masama pakiramdam ko ngayon. Kinuha ko ang mga inimpake at gitara ko saka bumalik sa may pinto kung saan nag hihintay si Eros calling someone nanaman, binaba niya iyon ng nakita niya ako. Nilagpasan ko lang siya at sumakay sa loob ng sasakyan niya na nakaparada na sa labas ng gate. Tahimik lang ako sa biyahe. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag sulyap niya sakin kada minuto. Ayoko siyang makausap isa pa masakit parin ang ulo ko sa aga ng pagising ko at sa pagod ko kanina. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako hanggang sa makarating kami sa hotel na tutuluyan namin. Ginising niya ako ng nasa harap na kami ng hotel. "Bakit ngayon mo lang ako ginising?" "You look tired kaya hinayaan nalang kita so you could rest." "Oh! O-okay" Pag labas namin sinalubong agad kami ng mga nag t-trabaho doon. Isa-isa nilang binitbit ang mga gamit namin papasok ng isang exclusive hotel. Wow! Lumapit si Eros sa receptionist na halatang nagpapa cute sa kanya. Ibinigay nito ang isang card. Tapos noon ay dumiretso na kami sa room 709 na nakasulat sa card. Nakakamangha ang loob ng suite na ito malaki at mukhang mamahalin ang mga gamit, may sala kitchen na may maliit na bar sa second floor naman may dalawang kwarto. Then I realized that he owned this place. Sa asta ng mga tao kanina sa pag dating niya, parang haring sinasamba ng lahat. Tsss! "So where is my suite?" "Dito. Dalawa naman ang room, mamili ka nalang" "Seriously!?..pati dito i-isang lugar parin tayo?!" "I told you, your parents-"hindi ko na siya pinansin, kinabit ko ang earphone ko at itinodo ang volume ng CP ko. Binitbit ko na ang mga gamit ko at nag madaling umakyat at pumasok ng kwarto na malapit sa may hagdan. 15 minutes na ako dito sa loob ng kwarto habang pinapraktis ang kakantahin ko ng tumawag si Mommy. "Yes My?" "Celeste...i know you're angry right now about all of this, but please understand Eros. Alam mo naman kung gaano ka protective ang Dad mo sayo. He's just helping us to look after you". "Wow! so nagsumbong siya sa inyo?"sunod kong narinig ay ang boses ni Dad. "Celeste, listen we just want you to be safe ok? Para rin naman sayo yan. Soon you'll understand-" Sandali siyang kinausap ni mommy na parang may pinagtatalunan pero hindi ko gaanong marinig. "I mean anak siyempre pag nag karoon ka nang sarili mong pamilya maiintindihan mo rin kami." "Okay...sorry Dy sorry My, baka naninibago lang ako ngayon lang kasi kayo nawala ng matagal tapos dalawa pa kayo. Sorry I miss you guys" hindi ko na pala namalayan na umiiyak na pala ako. God I've never been this dramatic, siguro dahil na rin sa pagod ko. "I know princess we miss you too but hindi ka samin dapat mag sorry Celeste, gusto lang tumulong ni Eros ok? and he's the only one I can trust when it comes to your safety." Kung alam nyo lang. "Alright okay...Bye Dy. bye My" Pinunasan ko ang kuha ko naghilamos narin ako at nagpalit. Pag baba ko nakita ko si Eros na nag t-type sa laptop niya. "Buti naman lumabas kana I'm starving nag pareserve ako sa baba doon na tayo mag dinner." "Ha?.. Uhm..pwede bang dito room service nalang?" "Ok i c-cancel ko nalang, then o-order narin ako sa room service" Tumango nalang ako. After 5 minutes dumating narin ang inorder niya. Kaya eto kami ngayon magkaharap nanaman at kumakain, syempre akward at tahimik nanaman. "Bakit mo tinatangal yan?" Napapansin ko kasi na lahat ng mga manok na kinain niya ay tinangalan niya ng balat. Sarap kaya nun. "Puro fats kasi yan" "Tsss ang arte mo naman akin nalang sarap kaya nyan." sabi ko sabay kuha sa mga balat naikinagulat niya. Kaya tuwing may balat nanaman siyang makikita tinatangal niya iyon at nilalagay sa plato ko. Tuwang-tuwa naman ako masarap kaya yun kasi pag sa bahay katulad niya rin ang mga magulang ko. Health freak, lahat dapat ng mga gagawin o kakainin ko dapat healthy. "Uh...uhm about today. For...for ignoring you I'm sorry" There I said it! God nakakahiya baka pagtawanan niya lang ako. Nakayuko lang ako ayoko siyang tignan baka lalo lang ako mapahiya. "Look at me...Celeste" Parang may nag wawala sa tiyan ko ng narinig ko ang buong pangalan ko sa malamig at briton niyang boses ang ganda pakinggan, kaya wala akong nagawa kundi sundin siya. Nagulat ako ng seryoso ang expression ng mukha niya. "It's fine actually it's kind of new to me and nice" "Huh? Anung nice doon ever since na magkita tayo hindi na tayo magkasundo. I always shout at you, ignore you nasaktan na nga kita and I'm sorry about that" Bigla nalang siya natawa. "I'm fine really! it's just that people always praised me cause of what I have. I know na nakita mo na ang mga news and magazines about me so I guess you know what I mean. This is the first time that someone ignored me, it feels nice na may tao parin palang ituturing ako ng totoo, not superficial" "Oh.." damn! Ano pabang masasabi ko? Pakiramdam ko sobrang pula na ng pisngi ko. Kaya nag-iwas ako ng tingin at nag focus sa pagkain na parang namamangha ako dito kahit na balat lang iyon ng manok. Maayos naman kami nakapag-usap tinanong ko rin sa kanya kung ano mga favorite niyang kanta para sa solo ko. Sabi niya Instrumental ang hilig niya mga classic....boring!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD