#BetweenYouAndHim EPISODE 41 Nakatitig sa kisame habang nakahiga sa kanyang kama. Tulala. Halata sa mukha nito na hindi masyadong nakatulog ng maayos sa nagdaang gabi dahil sa lalim ng eyebags na makikita sa ilalim ng mga mata nito. Pamaya-maya ay napabuntong-hininga ito. Kaagad na napalingon sa pintuan ng kanilang kwarto. Muli itong napabuntong-hininga. Naisip niya kasi si Howard. Hindi ito pumasok sa kwarto nila para matulog sa tabi niya. Deep inside him, kahit na nakakaramdam pa rin siya ng inis at galit sa kasintahan ay nag-aalala pa rin naman siya para rito. Ipinikit ni Khiro ang kanyang mga mata. Sandali. Pagkatapos ay muli itong dumilat. Natulala muli. Sumagi na naman sa kanyang isipan ang lahat ng nangyari. Pamaya-maya ay dahan-dahan itong bumangon sa kaman

