EPISODE 43 AND 44

2949 Words

#BetweenYouAndHim EPISODE 43     Magkatabing nakatayo ngayon sa veranda ng condo sila Howard at Gale. Palubog na ang araw ng mga oras na iyon. Kanina pa nakabalik ang huli mula sa pamimili nito ng chocolates sa grocery. Naiwan naman sa living room sila Khiro at Yohan at masayang nag-uusap ang dalawa roon.     Patingin-tingin si Howard kay Gale habang nakatingin naman ang huli sa kanya kanina pa. Halata ang pagkainis ni Gale sa mukha dahil kanina pa namamayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.     “Akala ko ba gusto mo akong makausap? Bakit patingin-tingin ka lang sa akin?” tanong ni Gale na pumutol sa nakakabinging katahimikan. “’Yan na lang ba ang gagawin mo ngayon? Ang tingnan-tingnan ang kagandahan ko?” sarcastic na tanong pa nito. May halong inis sa tono ng pananalita nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD