#BetweenYouAndHim EPISODE 45 “Kamukhang-kamukha niyo Boss iyong anak mo… Mapagkakamalan nga kayong kambal eh kung hindi lang mas maliit at mas bata si Yohan sa inyo…” sabi ng nakaupo sa sofa na si Tristan kay Howard na nakangiting nakatingin sa kanya habang nakaupo sa swivel chair at nakakandong naman sa hita niya ang anak na si Yohan. “Ganun talaga… Saan ba naman magmamana ng kagwapuhan ang anak ko di ba? Eh di sa akin lang…” pabiro pero may tono ng pagmamayabang na sabi ni Howard sabay tiningnan ang anak na nakangiti sa kanya at nag-thumbs-up pa. Napangiti rin si Tristan sa sinabi ni Howard. “Naks Boss! Yumayabang porket malakas ang dugo hahahaha…” sabi nito. Napangiti lang si Howard. Nasa loob ngayon ng opisina ng restaurant ang dalawa. Kanina pa nag-uusap ang m

