Paunawa Lahat po nang lalabas na pangalan, lugar at pangyayari sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung ikaw ay against sa mga stories about same s*x relationship, mabuting huwag mo nang ipagpatuloy pa itong basahin. At sa mga babasa sa istoryang ito, sana magustuhan nyu po ito. Maraming salamat po. -------------------------------- 007 Liam's POV Hinatid ako ni Kyle sa bahay after nung tinatawag niyang date. Kahit papaano ay nawala na ang pagkailang ko sa kanya dahil hindi niya binago ang pakikitungo niya sa akin, kung ano siya dati ay ganun pa rin siya noon, itsura lang talaga ang napalitan. Pagpasok ko sa pinto ay nagulat na lang ako nang bumungad sa akin si Jay, nakikipagkwentuhan ito kila Andy at Jericho. "Oh nandito ka na pala Liam." pambungad ni Andy sa akin. A

