.006-2

1309 Words
Paunawa Lahat po nang lalabas na pangalan, lugar at pangyayari sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung ikaw ay against sa mga stories about same s*x relationship, mabuting huwag mo nang ipagpatuloy pa itong basahin. At sa mga babasa sa istoryang ito, sana magustuhan nyu po ito. Maraming salamat po. -------------------------------- 006-2 Liam's POV Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako kung tama yung ginawa kong pagpayag kay Kyle na ligawan ako. Ayoko din kasi siyang masaktan pero ayaw ko ding maging unfair sa kanya at the same time. Alam kong mang lamang na sa kanya kay Jay pero kahit sinabi ko na yun ay nagpumilit pa rin siya. Hindi ko natuloy alam ang gagawin ko. Sakto paalis na din ako ng bahay nang madatnan ko ulit si Jay na nag-aabang sa labas. "Good Morning!" masiglang pagbati niya sa akin. "Oh, nandyan ka na pala, hindi ka man lang kumatok para napapasok kita sa loob." sambit ko sa kanya. "Eh kararating ko din lang naman eh, sakto lang sa paglabas mo." sabi naman nito. "Palusot ka pa." sabi ko naman. "Hindi ah." sagot nito tyaka nagnakaw na naman ng halik. "Ayan ka na naman eh, nagnanakaw ka na naman ng halik!!" sabi ko sa kanya. "Pampaganda lang ng araw, babe!" tila kinikilig nitong sabi. "Babe ka dyan, gumaganyan ka na hindi pa nga kita sinasagot." sabi ko naman. "Kelan mo ba ako sasagutin?" tanong nito. Sasagot na sana ako nang biglang may ibang boses kaming narinig. "Good Morning Liam." masiglang bati sa akin ni Kyle. Nagulat ako sa itsura niya, ibang iba sa dati, yung medyo nerdy look niya eh naging gangster style, umikli ang buhok niya at nagkahikaw pa sa tenga. Mula sa emo look naging punk pa ata siya, pero iba ang dating, mas nakita ang kagwapuhan niya. "G-good morning din Kyle." bati ko sa kanya. Lumapit naman ito sa akin at binigyan ako ng yakap. "Nag-iba itsura mo ah." pambungad ko sa kanya. "Ito ba, syempre kailangan ko mag improve para naman makasabay ako sa manliligaw mo." diretsyahang sagot nito. Tinignan ko naman si Jay at bakas sa mukha nito ang pagkalito. "Hi, ikaw si Jay right?" tanong ni Kyle kay Jay. "Ako nga, bakit? May problema ba?" tanong ni Jay sa kanya. Mukhang nakakaamoy ako ng hindi maganda sa dalawang to. "Nice meeting you pre, nais ko lang ipabatid na nililigawan ko rin si Liam, at sasabihin ko sayo na wala akong balak isuko siya." sabi ni Kyle. "Oww, ok, pero binabalaan na kita, kung inaakala mong magagawa mong makuha si Liam akin ay nagkakamali ka, dahil simula pa lang ay kami na ang nakatadhana." sagot sa kanya ni Jay sabay hapit sa akin. Tila nakaramdam ako ng kaunting kilig sa binanggit ni Jay, para bang may kung ano sa akin ang gustong lumundag. "Hindi ka pa nakakasigurado pre. Basta may be the best man win na lang." sabi Kyle at umalis. Pero bago yun ay nagwink pa siya sa akin na siya namang ikinapula ng mukha ko. Iba kasi siya ngayon, iba din ang dating nya, aaminin ko, talagang nagagwapuhan ako sa kanya ngayon. "So kaagaw na pala ako sa atensyon mo ngayon." biglang sabi ni Jay sa akin. "Huh?" biglang reaksyon ko kasi hindi ko alam ang isasagot ko. "Tignan mo, dumating lang siya tila ba nawala na sa isip mo na kasama mo ako." nagtatamputampuhan nitong sabi sa akin. "Ito naman, naninibago lang ako sa bestfriend ko, bigla kasing magbago ang ayos niya." pagdepensa ko naman. "Basta ang tatandaan mo Liam, hindi ko hahayaan na malayo ka ulit sa akin, tandaan mo yan." sabi nito sa akin at bakas ang pagkaseryoso ng mukha nito. Naguluhan ako sa sinabi niya, paanong magkalayong muli eh kelan lang kami nagkakilala. "Saan mo naman kinuha yang sinasabi mo?" biglang basag ko sa kanya. Para kasing kakaiba na eh, parang kinukutuban ako sa mga sinasabi niya. "Dito." sagot niya habang turu turo ang dibdib niya. " Dito ko lahat hinuhugot ang mga sinasabi ko sayo." kasabay noon ang muling paglapat ng labi niya sa labi ko. Ang ungas na to, mukhang hindi talaga iniisip na may mga tao sa paligid namin. Noong maglayo ang mga labi namin ay isinandal niya ang kanyang noon sa akin, halos magdikit pa rin ang mga labi namin. "Ito ang pakatatandaan mo Liam, kung ano ang nararamdaman ko sayo ay hinding hindi matutumbasan ng kung sino man at ito ang gagamitin ko upang ako na lang ang umokyupa daan." sabi diyan at tinuro ang dibdib ko. "Dahil sa akin ka lang at ako naman ay saiyong sa iyo lang." sambit nito at muling naglapat ang mga labi namin at sa pagkakataong iyon ay hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at gumanti ako sa mga halik niya. ------- Sa unang klase namin ay ramdam na ramdam ang kumpitensya sa pagitan ni Jay at Kyle, bakas na bakas sa mga mukha nila ang inis sa isa't isa. Naiipit tuloy ako sa sitwasyon nila dahil hindi ko alam kung sino uunahin ko, ayaw ko din kasing maging unfair sa kanilang dalawa. Tapos nagkukumpetensya din sila yung tipong pareho silang nagpapaimpress sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin, hinyaan ko na lang sila dahil ayokong makisakay sa bangayan nila. Pagkatapos na pagkatapos ng klase namin ay agad agad akong umalis at hindi na nagpaalam pa sa kanila, bahala na sila sa buhay nila, sa ngayon ay kailangan ko ng katahimikan. "Oh bakit humahangos ka? Para ka tuloy hinabol ng kung ano." bungad agad sa akin ni Andy pagkarating ko sa room para sa susunod kong klase. "Wala to, naisistres na kasi ako." sagot ko sa kanya. "Ikaw maiistres? Parang kailan lang tuwang tuwa ka dahil may nanliligaw sayo." sabi nito sa akin. "Kasi naman eh, mukhang nagkamali na ako nang ginawa, yan tuloy gumulo ang sitwasyon." sabi ko. "Eh ano ba kasing ginawa mo?" tanong nito. "Si Kyle kasi eh." sagot ko. "Anong meron kay Kyle?" tanong na naman ni Andy sa akin. "Nanliligaw na rin, kaya yun, nagbabangayan sila ni Jay." sagot ko sa kanya. "Whhaaaatt?!!" hindi makapaniwalang reaksyon ni Andy. "Seryoso? Yung isa sa mga bestfriends mo nilalagawan ka na rin?" "Oo, parang ang tanga ko nga eh, bakit kasi pinayagan ko pa siya." sabi ko sa kanya. "Eh bakit ka kasi pumayag?" naguguluhan nang tanong ni Andy. "Feeling ko kasi unfair para sa kanya kung hindi ako pumayag, sinabi ko na sa kanya na malaki ang chance na hindi siya ang piliin ko." sabi ko sa kanya "Pero sa tingin mo ba fair talaga para sa kanya na pumayag ka?" tanong niya ulit sa akin. Napakagat na lang ako sa labi ko dahil hindi ko na alam ang isasagot ko. Buti na lang at dumating na ang professor namin at natigil na yung usapan namin ni Andy. Nang matapos lahat ng klase ko ay napagdesisyunan ko nang umuwi at magkulong sa kwarto ko. Akala ko ay makakauwi na ako pero nagkamali ako, doon sa gate ay nakaabang si Kyle. Pagkakita nito sa akin ay agad ako nitong nilapitan. "Hi bestfriend!" masiglang bati nito sa akin. Naninibago pa rin ako sa itsura niyang ala bad boy ang dating. "H-i" bati ko sa kanya pabalik. "Tara, nagdate tayo." pagyaya niya sa akin. "Date? Ano kasi Kyle.." tatanggi na sana ako pero bigla niyang pinutol ang sasabihin ko. "Sige na, minsan na nga lang tayo lalabas nang magkasama, tyaka tandaan mo, may malaki ka pang kasalanan sa akin kaya kailangan mong bumawi." nangongonsensya nyang sabi sa akin. "Sige na nga! basta libre mo!" sabi ko. Hindi naman kami lumayo, dun kami pumunta sa lugar kung saan kami lagi tumatambay ni Kyle. Awkward man ang situation ay nagawa ko pa ring makisama sa trip niya, noon mga oras kasi na yun, hindi pa rin siya nagbabago ng pakikitungo sa akin. Tulad pa rin siya ng dati, yung sweetness nya sakto lang, parang hindi niya ako nililigawan. "Oh, natutulala ka na dyan?" nagtatakang tanong nito sa akin. "Huh? Ano ulit yun?" tanong ko sa kanya. "Kanina pa ako nagsasalita hindi ka pala nakikinig." reklamo nito. "Sorry." paghingi ko ng paumanhin. "Umuwi na nga tayo, mukha kasing pagod na pagod ka na. Ihahatid na lang kita sa inyo." sabi nito sa akin. "Sige." pagpayag ko na lang sa kanyang alok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD