006

1611 Words
Paunawa Lahat po nang lalabas na pangalan, lugar at pangyayari sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung ikaw ay against sa mga stories about same s*x relationship, mabuting huwag mo nang ipagpatuloy pa itong basahin. At sa mga babasa sa istoryang ito, sana magustuhan nyu po ito. Maraming salamat po. -------------------------------- 006 Liam's POV Hindi na ako magtataka kung hanggang dito sa room ay pagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Ito kasing si Jay, talagang walang pinatawad na oras o lugar, basta maisipan niya ay magnanakaw ito ng halik sa akin at ayun nga, pagkahatid nito sa akin, bago ito umalis ay nagpahabol pa ito ng halik, sa harapan pa ng mga kaklase ko. "Kaya pala ang aga agang umalis, yun pala may early date sila. Tyaka yun ba ang nanliligaw pa lang? May HHWW at L2L agad?" nang-aasar sa sambit ni Andy na nakangising nakakaloko sa akin. "Wag mo akong simulan Andy, I have enough this morning kaya wag ka na dumagdag." pagbabanta ko sa kanya. Yes, that's right, kung hindi lang talaga dahil kay Jay eh kanina pa ako nabadtrip because I really hate people staring at me na parang nakagawa ako ng malaking krimen. "Bakit ka ba nababadtrip?" painosenteng tanong nito. "Sinong hindi mababadtrip, kung tignan nila ako eh wagas." inis na sabi ko. "Duh! akala ko sanay ka na sa ganyan, matagal ka na kayang pinagtititignan ng mga yan, hindi mo lang talaga napapansin dati." sabi naman nito. "Huh?!" hindi ko makapaniwalang reaksyon sa sinabi niya? Dati pa nila ginagawa yan? "Kung maka-huh ka naman, oo matagal ka nang takaw atensyon pero hindi mo napapansin kasi may pagkamanhid ka dati, buti na nga lang at nakilala mo yang si Jay, kahit papaano ay nagkakaroon ka na ng kaunting pakiramdam." sabi nito. "Whatever!" sagot ko na lang. ----- Kanina pa ako badtrip na badtrip dahil sa tingin ng mga estudyante sa akin. Ano bang problema nila? Ngayon lang ba nila ako nakita? Habang binabaybay ko ang daan patungo sa restroom ay nagulat ako nang may biglang umakbay sa akin. "May manliligaw ka na pala, hindi mo man lang ako sinabihan kahit sa text lang." nagtatampong sambit ni Kyle sa akin. "B-Biglaan kasi eh, ambilis ng mga panyayare." ang sagot ko sa kanya. "Biglaan o talagang wala kang balak sabihin?" mapait na tanong nito sa akin. Napabugtong hininga na lang ako, kasalanan ko rin naman dahil medyo nalimutan ko siya. "Sorry, hindi ko din kasi ineexpect na mangyayari to, hindi ko rin ineexpect na ganito ang mararamdaman ko para sa kanya." paghingi ko ng tawad sa kanya. "What do you mean na ganyan ang mararamdaman mo? Ibig sabihin ba nito ay nakuha niya agad ang loob mo?" tila nabigla niyang tanong sa akin. "P-parang ganun na nga." medyo nagaalangan kong sagot sa kanya. "Sige ah, kita tayo mamaya Liam, may importante kasi akong sasabihin sayo, sana naman pwede ka." pagpapaalam nito sa akin. "O-ok, itext mo na lang ako, alam mo naman na ang bagong number ko di ba?" pagsang-ayon ko sa kanya. "Sige, salamat." sabi nito sabay ngiti bago umalis. Dumating ang hapon at tulad nga ng inaasahan, itinext ako ni Kyle na magkita kami sa beachwalk kung saan kami laging tumatambay dati. Palabas na ako ng classroom nang sinalubong ako ni Jay na may malapad na ngiti sa kanyang mga labi. Hindi pa man din ako nakakapagsalita ay agad ako nitong hinalikan sa labi na siya namang kinagulat ko kaya't nahampas ko siya sa kanyang dibdib. "Nakakailan ka na ah, nakaw ka ng nakaw ng halik!!" reklamo ko sa kanya. "Aray ah, ayan ka na naman, matamis na halik ang bibigay ko pero ikaw masakit na hampas ang binabalik mo." tampu-tampuhan nitong sabi sa akin, nakapout pa ang labi. "Malamang halik ka kasi nang halik ng walang paalam." singhal ko. "Bakit? Kung magpapaalam ba ako eh papayagan mo ako?" tanong nito sa akin. "Hindi." pirming sagot ko sa kanya. "Tignan mo, hindi ka papayag kaya minabuti ko na lang na magnakaw saiyo ng halik." nakangiting sabi nito sabay wink pa sa akin na tila bang nagpapacute. "Ang sabihin mo, mahilig ka talaga tsumansing, ganyan ka naman simula nung bata pa tayo." biglang sabi ko sa kanya. Tila ba nagulat siya sa sinabi ko, doon ay biglang pumasok din sa isip ko yung sinabi ko sa kanya. Simula pa ng bata pa kami? Saan naman nanggaling yun? Kelan lang kami nagkakilala ah. "L-Liam?" pagtawag ni Jay sa pangalan ko na may nangungusap na mga mata tila ba may mga katanungan na nababakas dito. "Ah sorry Jay, kailangan ko nang umalis, may pupuntahan pa kasi ako." biglang paalam ko sa kanya at hindi na siya hinayaan pang makasagot, nagmadali akong umalis para hindi na niya ako makausap pa. Bigla kasing bumilis ang t***k ng puso ko at labis akong nalilito dahil sa mga nabanggit ko kanina. Hindi ko alam kung saang lupalot nanggaling ang ideyang yun pero sa palagay ko kasama yun sa perks ng pagiging weird ko paminsan minsan. ------ Naguguluhan talaga ako sa ikinikilos ni Kyle ngayon, para bang may kakaiba kasi sa mga kinikilos niya. Tulad na lang kanina, sinalubong niya na ako agad at hinawakan ang kamay ko habang naglalakad patungo sa lugar kung saan kami laging tumatambay. "Salamat at pumunta ka." sabi niya na parang matamlay. "Syempre nagyaya ka eh." sagot ko na lang. "Akala ko kasi iindyanin mo na naman ako." sabi pa nito, bakas ang pagkalungkot sa kanyang boses. "Hindi pa ba tayo tapos sa issue na yan? Akala ko ba ay ayos na tayo?" tanong ko sa kanya. Ang alam ko kasi ay malinaw na sa amin ang lahat. "Hindi eh, pakiramdam ko kasi ay nilalayo mo pa rin ang sarili mo sa amin. Tulad na lang kanina, kung hindi ko pa nakita ay hindi ko malalaman na may manliligaw ka na pala. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin yun?" saad niya, bakas ang papanunumbat niya. Alam kong kasalanan ko rin ito, lumayo ako sa kanila tapos nung nagkaayos naman ay hindi ko pa rin naibalik ang tamang komunikasyon sa aming dalawa. "Sorry, biglaan kasi talaga yung nangyari, biglaan din lang ang pagtatapat niya, pero iba kasi talaga si Jay sa lahat ng mga lumapit sa akin noon, parang panatag agad ang loob ko sa kanya." sagot ko sa kanya. Tinignan ko siya, parang may kung ano sa kanyang mga mata ang hindi ko mabasa. "Pero bakit ganun, siya na kelan mo lang nakilala, madali mong naramdaman na may kakaiba sa kanya, pero bakit sa akin na matagal mo nang kasama ay hindi mo napapansin ang mga pahiwatig ko?" medyo makahulugan na sabi ni Kyle sa akin. "A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. Mukha kasing alam ko na ang kahihinatnan nito, ngunit sana ay mali ako, ayaw kong maging kumplikado ang lahat. "Liam, matagal na, matagal na akong may pagtingin sayo, noon pa man ay nagpaparamdam ba ako ngunit hindi mo ito napapansin, laging na kay Kurt ang atensyon mo, pero nung ibinasura niya ang pinagsamahan niyo, nanatili ako sa tabi mo para iparamdam ko ang pagmamahal ko sayo ngunit hindi mo pa rin ito napansin, bagkus ay lumayo ka pa kaya lalo akong nasaktan." mahabang turan niya, lumuha na ang kanyang mga mata na agad naman niyang pinunasan. "Pagkatapos, ngayon malalaman ko na may nanliligaw sayo, at ang masakit pa ay agad na niyang nakuha ang loob mo?" sabi niya sa akin, bakas ang sakit sa bawat kataga na kanyang binitawan. "Pero ako na matagal nang naghahangad na mapansin at mabigyan ng pagkakataon na mas mapalapit sa puso mo ay parang wala lang." sabi pa nito. "Hindi naman sa ganun, Kyle, kaibigan kita, siguro lahat ng nakikita kong ginagawa mo ay dahil sa tingin ko ay ginagawa  mo yun dahil kaibigan mo ako." pagdepensa ko sa sarili ko. "Hindi ko alam, hindi ko alam na ganyan na ang nararamdaman mo, si Jay kasi, hinayag niya sa akin ang pagkagusto niya sa akin nang walang alinlangan." sabi ko pa. Nabigla ako nang bigla niya akong hinawakan sa mga balikat ko, tinignan ko siya, seryoso ang titig niya sa akin. "Pero ngayong alam mo na na may nararamdaman ako sayo, hahayaan mo din ba akong ligawan ka tulad ng ginagawa ni Jay sayo ngayon?" seryosong tanong nito sa akin. Hindi ako nakasagot, hindi ko alam ang isasagot ko. Dapat ko nga ba syang hayaan? Paano kung masaktan ko siya sa huli? Paano kung hindi ko kayang ibalik ang pagmamahal niya? "Alam kong iniisip mo na maaari mo akong masaktan kung sakaling pumayag ka pero please, pagbigyan mo ako, kung ano man ang kahihinatnat ay tatanggapin ko, ayaw ko lang ng ganito, ayaw kong mapunta ka sa iba nang hindi man lang kita ipinaglalaban." sambit niya sa akin. "Please!! Please Liam, hayaan mo akong iparamdam sayo kung gaano ako kaseryoso sayo." pagsusumamo niya sa akin. "Pero paano kung dumating ang panahon na hindi ikaw ang mapili ko? Natatakot ako, natatakot kong pati ikaw ay masaktan ko, mahalaga ka sa akin Kyle dahil bestfriend kita pero paano kung masira ang pagkakaibigan natin dahil dito?" tanong ko sa kanya, madami na kasing bumabagabag sa isipan ko, bakit kasi parang sabay sabay dumadating ang mga ganitong bagay sa akin. "Tulad ng sabi ko, kahit anong desisyon mo ay tatanggapin ko, payagan mo lang akong ligawan ka, malay mo sa bandang huli ay tayo pala ang magkakatuluyan?" sambit nito sabay ngiti na tila ba natutuwa sa ideya ng kanyang tinuran. "Oo na, sige na! Since mapilit ka at ayaw ko naman maging unfair sayo. Pumapayag na ako." pagsang ayon ko na lang sa kanyang gusto, gusto ko rin kasing sumugal sa kanya kung sakali, may pinagsamahan na din kasi kami at alam kung hindi niya ako iiwan kung maging kami man. "Sigurado ka? Talagang pumapayag ka na?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Tumango na lang ako para ipaalam na tama nga ang narinig niya. "Yes!!" sigaw niya na napakalakas. "Maraming salamat!!" sabi nito sabay yakap sa akin. Napangiti na lang ako, bahala na lang siguro ang kapalaran sa mga magaganap sa hinaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD