Paunawa
Lahat po nang lalabas na pangalan, lugar at pangyayari sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang.
Kung ikaw ay against sa mga stories about same s*x relationship, mabuting huwag mo nang ipagpatuloy pa itong basahin.
At sa mga babasa sa istoryang ito, sana magustuhan nyu po ito.
Maraming salamat po.
--------------------------------
005-2
Liam's POV
Lutang pa rin ang isip ko dahil sa bilis ng mga pangyayari kanina, parang kahapon lang ay pinoproblema ko ang paglayo ko sa mga bestfriends ko tapos ngayon, ito ako, napakabilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa isang lalaki na kelan ko lang nakilala.
"Hoy! uso talaga sayo ang pagiging tulala!" paggulat sa akin ni Andy na kanina pa pala nasa harap ko.
"Bakit ka ba nanggugulat!?" inis ko namang sabi.
"Nagulat pa kita sa lagay na yun? Eh harap harapan na akong nagsalita sa harap mo, ang sabihin mo natutuliling ka na naman." sabi nito sa akin.
"Bakit masama ba mag-isip" tanong ko sa kanya.
"Oo masama! mas lalo kung hindi mo ikukwento kung bakit ganyan ka makangiti habang natutulala ka." sabi nito.
Nagulat ako sa sinabi niya, totoo bang nakangiti ako kanina? Ibig sabihin ba nito malaki ang impact sa akin ni Jay?
"Oh tulala ka na naman, yan bang iniisip mo eh yung kasama mong papabol na naghatid sayo dito kanina?" medyo mapangasar na sabi nito sabay tusok sa tagiliran ko.
"Huwag ka ngang mangiliti!" asik ko sa kanya. "Oo siya ang nasa isip ko, ano? may problema ba dun?" inis inisan kong tanong sa kanya.
"Himala, hindi ka nagdeny ngayon." sabi nito.
"Hindi ko na idedeny kasi panigurado namang hindi ka maniniwala, ikaw pa eh lakas mo makasinghot ng kung anu ano." pang aasar ko sa kanya.
"Hoy ano yun, K9 unit lang? Pero infairness ah, bagay na bagay kayo!!" sabi nito sa akin na tila ba kinikilig. "Ano na ba ang label niyong dalawa?" tanong nito sa akin.
"Ikaw talaga, label agad?" sagot ko.
"Anong gusto mong tanungin ko? Kung imiskor na ba siya sayo?" tanong pa nito.
"Sira, since wala naman akong maitatago sayo, sasabihin ko na, manliligaw ko yung isang yun, Jay ang pangalan niya. Happy?" paglalahad ko sa kanya.
Nagulat na lang ako nang bigla itong tumili nang pagkalakas lakas na tila ba masisira na yung tenga ko.
"Ano ba! nakakahiya sa kapitbahay!" reklamo ko sa kanya.
"OMG friend!! ibang iba talaga ang level mo!! Pero alam mo, mabuti yan para maibaling mo na sa iba yang atensyon mo." sabi nito sa akin.
"Ewan ko ba, kakaiba nga eh, nung magkasama kami kanina, ibang iba pakiramdam ko, parang nawalan na ako ng pakialam sa paglayo ko sa mga bestfriends ko." sabi ko sa kanya. Totoo yun, parang nawalang bigla ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa pagdating ni Jay, para isa siyang anghel na pumawi sa kalungkutan ko.
"Natutunan mo na kasing ibaling sa iba ang atensyon mo, tignan mo, hindi ba't mas masaya ka ngayon? Aminin mo." sabi nito Andy sa akin na tila ba nakakasiguro sa tinuran niya.
Napaisip ako, mas masaya nga ba ako ngayon? Tinimbang ko yung nararamdaman ko ngayon sa naramdaman kong saya dati kapag kasama ko si Kurt. Doon ko napagtanto na mas higit ang nararamdaman ko ngayon dahil wala akong nararamdamang pag aagam agam sa puso ko, dahil wala akong kinakatakutan na mangyari at wala akong itinatago.
"Oh ano, tama ako no? Magandang sign yan Liam, mukhang si Jay na ang solusyon para maabot mo ang absolute happiness." sabi nito sa akin.
Kinabukasan ay nagulat ako nang makita ko si Jay sa labas ng bahay noong palabas na ako sa tinutuluyan namin ni Andy. Unexpected naman kasi na makikita ko siya ngayong umaga.
"Anong ginagawa mo dito?" agad kong tanong sa kanya.
"Wala bang 'Good Morning' dyan bago ang tanong?" tanong nito sa akin habang nakaplaster pa rin ang magandang ngiti sa labi nito.
"Ok, Good Morning Jay, napaaga ka ata?" bati ko sa kanya.
"Kulang, dapat may morning kiss!" reklamo nito.
"Morning kiss ka dyan, FYI, hindi pa tayo no!" sagot ko naman sa kanya.
"Ayeeh, hindi PA, so ibig sabihin may pagasa." sabi nito sa akin na talagang pinagtigasan ang pa.
"Manahimik ka, sagutin mo muna yung tanong ko, bakit kay aga aga mong napadpad dito?" sabi ko sa kanya.
"Ito naman oh, bago yun, Good Morning Liam!!" bati nito sa akin sabay nakaw ng halik sa aking labi. Natuliro na naman ako dahil muling naglapat ang aming mga labi.
"Sarap na sarap ka talaga sa labi ko, tignan mo, natulala ka na naman." pang aasar nito sa akin.
"Adik ka!! Nagnakaw ka na naman ng halik!!" asik ko sa kanya.
"Ok lang yan, mukhang gustung gusto mo naman, at para sagutin ang tanong mo, kaya ako nandito nang kay aga aga ay dahil sinusundo kita at gusto kong sabay tayong pumasok sa school." sabi nito sa akin sabay akbay sa akin. May kakaibang kiliti akong naramdaman noong mga oras na yun kaya hindi ko na inalis ang pagkakaakbay niya.
"Asus, bakit mo naman ako sinusundo?" tanong ko sa kanya.
"Malamang manliligaw mo ako, talagang susunduin kita." sabi nito sa akin.
"Seryoso ka nga talaga, sige panindigan mo yan ah, nako po, mahirap akong ligawan." pagbabanta ko sa kanya.
"Handa akong pagdaan lahat ng klase ng hirap, makamit ko lang ang matamis mong oo." matalimhagang sabi nito sa akin na siya namang nagpangiti sa akin. "Ayeeh, napangiti ko siya, it only means na kinikilig ka." sunod na sabi pa nito.
"Oo na, kinikilig na, tara na at nagugutom na ako, hindi pa ako kumakain kaya tara at ilibre mo ako ng breakfast!" pagyaya ko sa kanya.
"Hindi pa ba sapat ang kiss ko para maging agahan mo?" nakakalokong tanong nito sa akin.
"Pwede ba naman yun? nauna pa yung dessert sa agahan." sabi ko sa kanya. "Tara na at pakainin mo muna ako kung ayaw mong mabadtrip ako at hindi ka kausapin buong araw." pagbabanta ko pa.
"Oo na, ayan na, sa Jollibee na tayo kumain ah." pagpayag nito at mas hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin.
Pagkatapos namin kumain ng agahan ay agad naming pumunta sa school, hindi naman kami late dahil may isang oras pa ako para sa unang klase ko, ang dahilan ko lang talaga kaya pumasok ng maaga nang makapagbasa ako sa library, si Jay naman ay alas dose pa daw ang klase, maaga lang daw siya para makasama ako ng mas matagal.
Habang naglalakas sa campus ay hawak hawak nito ang kamay ko, at mukhang feel na feel niya pa ang atensyon mula sa mga estudyanteng nadaanan namin.
"Ah Jay, ang daming nakatingin oh." mahinang sabi ko sa kanya.
"Eh ano kung nakatingin sila? Wala naman akong ginagawang masama eh." sabi niya sa akin.
"Parang nakakahiya kasi, parang iba kasi tingin nila sayo at sa akin." sabi ko naman.
"Hayaan mo sila sa kakatingin, malamang mga inggit lang yan, tyaka bakit ka mahihiya eh sa mall nga kahapon eh magkahawak tayo ng kamay." sabi nito na medyo nagpababa ng tensyon sa katawan ko. Ano nga naman bang dapat kong ipangamba?
Sa paglalakad naming iyon ay hindi ko inaasahan ang isang bagay. Iyon ay ang makasalubong ang mga bestfriends ko.
Tinignan ko si Kyle, bakas ang pait sa mukha nito nang makita nitong hawak ni Jay ang kamay ko, si Kurt naman ay ganun pa rin, blangko pa rin ang itsura na parang wala lang ako sa kanya.
"Close na close na ata kayo at magkahawak pa ang mga kamay niyong naglalakad?" sita sa amin ni Kyle.
"Yun ba pre, nililigawan ko kasi itong si Liam ganito kami." maligalig na sagot naman ni Jay.
Ngunit parang hindi natuwa si Kyle sa sinagot nito, si Kurt naman, parang may nakita ako sa kanya, para siyang nagpipigil dahil sa paggalaw ng pangga nito.
"Nililigawan mo si Liam?" tanong ni Kyle na parang nagulat or naiinis.
"Oo pre, huwag mong sabihin na pagbabawalan mo ako? Eh pinayagan na rin naman ako ni Liam na gawin to." pagpapaliwanag ni Jay kay Kyle.
"Pumayag ka?" tila ba nawala na sa kontrol si Kyle dahil medyo napataas na ang boses niya.
Hindi ako nakasagot, nagiging awkward na kasi ang nangyayari sa amin, mas lalo't pinagtitinginan na rin kami ng mga tao.
"Tara na Kyle, ano pa bang aasahan mo sa isang yan? Halata namang gustung gusto din niya ang ginagawa nila." singit ni Kurt sabay hila kay Kyle palayo sa amin.
"Hays, mukhang hindi boto sa akin yung bestfriend mo ah." pagbasak ni Jay sa katahimikan.
"Hayaan mo na yun, nagtatampo lang siguro yun dahil una sa lahat ay iniiwasan ko sila tapos ngayon malalaman na lang niyang may manliligaw na ako." sabi ko naman sa kanya.
"Pero bakit ganun yun? Big deal ba sa kanya ang mga bagay na ganito?" medyo naguguluhang tanong ni Jay.
"Noon kasi kapag may nag ooffer sa akin ng mga indecent proposal, sa kanya ko unang sinasabi, minsan siya din ang humaharang sa mga taong yun." sagot ko sa tanong niya.
"Pero hindi naman indecent na ligawan kita ah? Di ba mas proper nga yun dahil nililigawan kita." dispensa naman niya sa sarili.
"Hayaan mo na nga lang kasi, baka naguguluhan lang yun dahil pinayagan kitang manligaw." sabi ko sa kanya. "Tara na nga at malapit na ako mahuli sa klase ko." pagyaya ko sa kanya.
"Sige tara." pagpayag naman nito at sabay na kaming naglakad patungo sa unang klase ko.