005-1

1672 Words
Paunawa Lahat po nang lalabas na pangalan, lugar at pangyayari sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung ikaw ay against sa mga stories about same s*x relationship, mabuting huwag mo nang ipagpatuloy pa itong basahin. At sa mga babasa sa istoryang ito, sana magustuhan nyu po ito. Maraming salamat po. -------------------------------- 005-1 Liam's POV Napakabilis ngayon ng t***k ng puso ko habang naglalakad dito sa mall kasama si Jay. Hawak hawak niya pa rin ang kamay mo na parang syota niya talaga ako. Isa pa ay hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang ginawa niyang paghalik sa akin kanina. Isang halik na nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa akin, para itong mahinang kuryente na nagpanginig sa akin katawan, parang isang droga na nakakaadik, sa madaling salita, isang matamis na halik. "Punta muna tayo sa bookstore ah." sabi nito sa akin ngunit hindi ko ito sinagot. "Uy, bakit parang ang tahimik mo ata?" tanong nito sa akin. "Huh?" tanong ko ulit sa kanya, hindi ko kasi alam ang isasagot ko kaya nagkunwari akong hindi ko narinig ang sinabi niya. "Ang sabi ko, bakit ang tahimik mo ata ngayon?" sabi ulit nito sa akin. "Yun ba, wala kasi akong sasabihin kaya hindi ako nagsasalita." sagot ko naman sa kanya. "Yung totoo, siguro iniisip mo yung kanina no?" pang aasar nito sa akin. "Ano kanina?" pakunwaring tanong ko kahit alam ko na yung gusto niyang iparating. "Ito oh." sabi niya sabay nakaw ulit ng halik sa akin. Grabe tong lalaking to, hindi niya ba naiisip na nasa pampublikong lugar kami at maraming nakakakita sa amin. "Siraulo ka talaga!!" sabi ko sa kanya sabay pingot sa tenga niya. Nakakakadalawa na kasi eh, hindi niya ba alam na first kiss ko ang ninakaw niya? "Aray!!" daing niya dahil sa ginawa ko sa tenga niya. "Grabe, matamis na halik ang binigay ko pero masakit na pingot ang natanggap ko." reklamo niya sa akin. "Kasalanan mo yan dahil ninakaw mo yung first kiss ko!!" sabi ko sa kanya. "Weh? Yung totoo? Wala pa talagang nakahalik sayo bukod sa akin?" tanong nito sa akin na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. "Oo nga, ang kulit! Kahit ganito ako never ko pang binigay sa kahit sino ang unang halik ko!!" inis na sabi ko sa kanya pero yung loko, napangiti pa na parang nakajackpot. "Wow naman, ang swerte ko pala kung ganun." sabi niya sa akin. "Huwag kang mag aalala, patas lang tayo kasi sayo ko binigay ang first kiss ko." dagdag pa nito. Ako naman ang hindi makapaniwala sa kanya, imposibleng wala pa itong nahalikan. Pero kung sabagay, wala pa nga siyang nagiging syota kahit isa eh. Pero bakit sa akin? Ano bang balak niya at ginagawa niya ang mga ito sa akin? "Bakit mo ba to ginagawa sa akin?" tanong ko sa kanya, kasi naguguluhan na ako sa mga kilos niya. "Secret!" sabi niya sa akin tapos ngumiti pang nakakaloko. "Kainis!! Lokohan pala gusto mo ah, sige pagbibigtan kita." sabi ko sa sarili ko. Agad naman akong lumapit sa kanya, nagulat naman siya sa akin ginawa, itinapat ko ang aking bibig sa kanya tenga. "Type mo ako no? At patay na patay ka sa akin kaya chumachansing ka." mapang-akit kong tanong sa kanya. Mukhang tinamaan naman siya sa aking ginawa dahil nakita kong napalunok siya bigla. Pero akala ko ay panalo na ako, nagkakamali pala ako dahil agad siyang bumawi sa akin. Lumapit din siya sa akin at bumulong. "Paano kung sabihin kong type nga kita, maniniwala ka ba?" tanong nito sa akin sa mapang akit na tono. Hindi ako nakasagot agad, nakaramdam ako ng kakaibang kiliti mula sa akin tenga kung saan siya bumulong. Ramdam ko rin ang pamumula ko kaya inalis ko ang tingin ko sa kanya. "Oyyy, namumula siya!!" pang aasar niya sa akin tapos tumawa parang tuwang tuwa pa. "Namula lang tumatawa ka na?" tanong ko sa kanya. "Obvious ka na kasi masyado." sabi naman nito. "Obvious na ano?" tanong ko sa kanya. "Na kinikilig ka masyado." sabi niya tapos tumawa na naman. "Ang sabihin mo mahilig ka chumasing!" sabi ko sa kanya. "Hindi ah." pagdedeny pa niya. "Eh anong tawag mo dito?" tanong ko sa kanya sabay taas ng kamay naming magkahawak. "Holding hands." pilosopong sagot niya. "Ayan ang prowebang chumachansing ka!!" singhal ko sa kanya. "Ayan ba yung chumachansing eh humahawak ka rin naman pabalik." rason niya. Paktay dun, tama nga naman, nakahawak rin pala ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nasa kokote ni Jay at bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito sa akin. Maaaring isang laro lamang ito sa kanya oh kaya naman ay para din lang siyang si Kurt na ayos ang ganyan sa umpisa pero sa bandang huli ay ipagtatabuyan din ako. Muli na naman akong sinakop ng kalungkutan ng maalala ko si Kurt. Kahit na nagdudulot ng kakaibang saya si Jay sa akin, hindi ko pa rin talaga matakasan ang sakit na nararamdaman ko dahil kay Kurt. "Oh ano yan? Kanina tahimik ka lang, ngayon ay lumuluha ka na." sab ni Jay sa akin. "May nagawa ba akong hindi maganda, may nasabi ba akong hindi maganda?" nag aalalang tanong niya sa akin. Bakas ang sinseridad sa mga mata ni Jay habang pinapakita ang pag aalala niya sa akin. Totoo nga ba, totoo ba yung mga pinapakita niya sa akin? "Bakit mo ba kasi ginagawa to? Alam mo bang maaaring mahulog ang loob ko sayo dahil dyan, please lang kung naglalaro ka lang, wag ako dahil masyado na akong dinadalang pasakit para dagdag mo pa." buhos na emosyon kong sabi kay Jay na ngayon ay tila ba nakaramdam na rin ng kalungkutan. "Huwag mong sabihin yan, hindi kita pinaglalaruan, lahat ng pinapakita ko sayo ay bunga ng nararamdaman ng puso ko kaya wag mong isipin na laro lamang para sa akin ito." seryosong sabi niya sa akin habang nakatitig ng diretso sa aking mga mata. Hindi namin alintana ang mga tao sa paligid, parang kaming dalawa lamang ang magkasama at nag uusap sa gitna. "Ano ba yang nararamdaman mo? Bakit ganun na lang ata kabilis?" tanong ko sa kanya. "Parang kanina lang kita nakilala ah." sabi ko pa. "Akala mo lang mabilis dahil nasa isang tao lang ang atensyon mo noon at hindi mo pinapansin yung ibang mga bagay sa paligid mo." sabi niya sa akin. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. "Balang araw ay malalaman mo rin, pero bago yun, gusto ko masigurado na magiging masaya ka, masaya kasama ko, gusto kong maging laman ng puso mo para purong kaligayahan na lang ang maramdaman mo." sabi niya sa akin. Tila ba nangilabot ako sa mga sinabi niya, hindi ito dahil sa takot, marahil ay dahil ito sa tingin ko'y umuusbong ko nang damdamin para kay Jay. "Huwag mo nga akong pinaglololoko!! Ano na namang trip yan!?" sabi ko sa kanya, ayaw ko kasing magpadala agad, baka kasi mamaya ay magaya ako sa mga nabasa ko na pinagpustahan lang pala. "Hindi ako nagloloko!!" medyo may tonong sabi niya sa akin. "Sa tingin mo ba iaalay ko sayo ang unang halik ko kung binibiro laman kita? Katulad mo, para sa akin ay sagrado ang unang halik." sabi niya pa. "Pero bakit? Hindi ko talaga maunawaan bakit ganito na lang kabilis ang lahat." nalilito ko nang sabi sa kanya. "Tulad nga ng sabi ko, hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo kung bakit, gusto ko kasing ilahad sa iyo yun kapag maayos na ang lahat dahil gusto kong ihayag sa iyo yun sa isang espesyal na paraan. Sa ngayon, ang gusto ko lamang ay hayaan akong palawakin yang puwang ko sa puso mo upang tuluyan ko nang maitulak paalis ang laman niyang nagdudulot sayo ng sakit." mahabang turan niya sa akin. Para ba akong matutunaw sa mga sinasabi niya, ramdam na ramdam ko ang emosyon sa mga yun, walang halong pagkukunwari, lahat ay galing sa puso niya. "Ano ba yan, bakit kailangan ko pang maghintay na malaman kung bakit hindi basta basta yung mga ito?." medyo naasar kong tanong. Napangiti naman siya bago sumagot. "Gusto ko kasi, ako na nagmamay ari ng puso mo at ikaw na rin ang nagmamay ari ng puso ko bago ko ihayag ang lahat. Para naman memorable at at maramdaman mo yung mensahe na ipapahatid ko sayo." sabi pa niya. "Ang sabihin mo, masyado kang pabebe!! At tyaka teka, paano mo nalaman na may pinagsadaanan ako ngayon?" sabi ko sa kanya. Gusto ko kasing pagaanin na ang atmosphere dahil baka maiyak pa ako dito. "Sekretong malufet na iyo lamang malalaman kung ikaw ay kakapit." hirit niya na ikinataas ng isa kong kilay. "Stalker ka no?" diretsahang sabi ko sa kanya. "Ako stalker? Grabe naman yang term ginamit mo, pwede naman admirer na lang." reklamo nito. "Ayoko ng admirer, masyadong gay, stalker na lang nang may dating at angas." sabi ko naman. Muli ay napangiti ko siya. "Sige na nga, pero Liam, seryoso ako, kung papayagan mo ako, gusto kong ligawan kita iprove ko ang sarili ko sayo." sabi niya sa akin. Nakaramdam ako ng tuwa, ibang iba siya sa mga nagpapansin sa akin na gusto agad ay maging kami at worst ay madala nila ako sa kwarto nila maikama. Siya, gusto niyang dahan dahanin ang lahat, hindi rin siya takot na ipakita sa iba ang nararamdaman niya sa akin. Malaking puntos na yun para sa akin dahil kung tutuusin ay kung titignan mo siya ay siya yung tipo ng lalaking dapat mahalin. "Papayag ako sa isang kundisyon." sabi ko sa kanya. "Ano yun? Lahay yun ay gagawin ko mapapayag lang kita." determinadong sabi niya sa akin. "Ilibre mo muna ako ng pagkain, gutum na gutom na ako eh." nakangiti kong sabi sa kanya. Ggggrrrrrrrrrkkkkkkkk!! daing ng aming mga tiyan. Napatawa pa kami ng sabay dahil doon, marahil ay nagutom kami sa dramahang ito. "Tara na nga, nang masulit natin ang first date natin." nakangiting pagyaya niya sa akin habang inaabot ang aking kamay. "Sige tara!" nakangiti ko rin sabi at iniabot ang aking kamay sa kanya. Siguro nga ito na ang tamang oras para piliin ko nang maging masaya. Alam kong mabilis pero sa maikling oras na nakasama ko si Jay, tila ba taon na ang aming pinagsamahan. Tila may kung ano sa kanya na nagdudulot sa akin ng kakaibang sensasyon na pamilyar sa akin ngunit hindi ko lang matukoy kung ano ito. Bahala na nga, kung ano man ito, hahayaan ko na lang ang tadhana ang humubog nitong umuusbong kong damdamin para kay Jay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD