004

1469 Words
Paunawa Lahat po nang lalabas na pangalan, lugar at pangyayari sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung ikaw ay against sa mga stories about same s*x relationship, mabuting huwag mo nang ipagpatuloy pa itong basahin. At sa mga babasa sa istoryang ito, sana magustuhan nyu po ito. Maraming salamat po. -------------------------------- 004 Liam's POV "Todo ngiti tayo ngayon ah?" bungad sa akin ni Andy. Kakatapos lang kasi ng klase namin. "Bakit? Bawal ba?" pagsusuplado ko sa kanya. "Hala, suplado ang peg, begwasan kaya kita." pagbabanta naman nito. "Subukan mo lang." pananakot ko naman sa kanya. "Eeeh, ano ba kasi dahilan at ngingiti ngiti ka dyan." tanong nito sa akin. "Basta!" sagot ko sa kanya. "Anong basta? Dali na sabihin mo na." sabi nito sa akin. "Mamaya na lang kapag nasa bahay na tayo." sabi ko sa kanya. "Ano ba yan, may ganyan ka pang nalalaman ah." sabi ni Andy sabay kurot sa akin. "Aray!" reklamo ko. "Tara na nga, baka malate pa tayo sa huling klase natin." pagyaya niya sa akin. "Baka ikaw lang ang malate." sabi ko sa kanya. "At bakit naman? Magkaklase tayo kaya magkasama tayong malelate kapag hindi mo pa binilisan dyan." sabi niya sa akin. "Hala, nalimutan mo na ba yung sinabi ko sayo solusyon para hindi ko makita yung mga ex bestfriends kong kumag?" tanong ko sa kanya. "Oh anong tungkol doon?" tanong naman nito. "Pinalipat ko sa umaga yung sched ko kaya wala na akong klase." sabi ko sa kanya sabay tayo. "Bye!! Uuwi na ako, bahala ka nang malate mag isa!" sabi ko sa kanya sabay tawa at takbo paalis. Ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit ako nakangiti? Siguro ay masaya lang ako dahil napakagaan ng pakiramdam ko ngayon, yung parang wala akong pasanin. Dulot ata ito nang muli kong paglapit kay Kyle, siguro nga'y nagkamali ako dahil pinangunahan ko siya at lumayo nang hindi man lang iniisip ang nararamdaman niya. Naglalakad na ako sa may corridor papunta sa may hagdan ng may nakabangga sa aking lalaki na sakto ay palabas sa isang pintuan. Dahil sa pagkakabunggo sa akin ay napatumba ako sa gilid habang yung nakabangga sa akin ay napakapit naman sa frame ng pintuan. "Liam?" pagtawag ng nakabunggo sa akin. Tinignan ko ito at agad ko namang nakilala. "Jay?" pagtawag ko rin sa kanya. "Sorry tol ah, hindi ko sinasadya na mabunggo ka." paghingi nito ng tawad sa akin sabay abot ng kamay nito sa akin. "Wala yun, sorry din." sabi ko sa kanya at inabot ang kamay niya. Pagkadampi ng kamay ko sa kanya ay agad ko itong binawi pabalik at ganun din naman siya. "ah!" sabay namin sabi na dalawa. "Ano yun?" tanong niya sa akin na puno ng pagtataka. "Ewan, parang kuryente eh." sagot ko naman. "Wew, lakas naman nun." sabi niya. Totoo ngang malakas yung kuryente na dumaloy sa aming dalawa na nagdulot ng kaunting hapdi sa aming mga kamay. "Kaya nga, para akong humawak sa live wire." sabi ko sa kanya. "Tara." sabi niya sabay abot ulit ng kamay niya. "Oh baka makuryente na naman tayo." sabi ko. "Hindi na siguro yan, baka may kung ano lang reaksyon yung kanina." sabi naman nito. Agad ko naman inabot ang kamay niya at hinila na niya ako patayo. Noong naglapat ang aming mga kamay, nandun pa rin yung kakaibang pakiramdam, para itong kuryente na dumaloy sa amin ngunit hindi na ito kaysing lakas ng kanina. Naitayo naman niya ako agad at nagkamot siya ng ulo. Ngayon ko lang napansin na mas matangkad pala sa akin si Jay, kanina kasi ay hindi ko ito napansin gawa ng hati ang atensyon ko sa kanila ni Kyle. "Saan ang punta mo?" tanong niya sa akin na parang nahihiya. "Huh? Ah ano, pauwi na ako." sagot ko naman. "Ahh, ah Liam." sabi nito na parang may gustong sabihin. "Pwede bang magpasama ako sayo?" tanong nito sa akin. "Huh, sige, saan ba?" tanong ko sa kanya. "Sa mall, bibili kasi ako ng mga ilang gamit na hindi ko pa nabibili, huwag ka mag alala, libre ko lahat tapos ihahatid kita pauwi." sabi nito sa akin. Napangiti na lang ako sa kanya, hindi ko akalain na napakagenerous pala ng lalaking to. "Sige ba, sabi mo yan ah." sabi ko sa kanya na siya namang nagpangiti sa kanya. Ang gwapo niya, mas lalo nung lumabas na ang mga dimples niya sa pisngi. Tila ba isang anghel itong lalaking nasa harapan ko. "Oh, natulala ka ata, alam ko gwapo ako pero wag mo naman akong tignan na parang gusto mo akong tunawin." pabirong sabi ni Jay na siyang nagpapula sa aking mukha. Napayuko tuloy ako kaya aking napansin na hawak hawak niya pa rin ang aking kamay hanggang ngayon. "Ikaw naman, para naman akong batang mawawala at hanggang ngayon eh hindi ko pa binibitawan ang kamay ko." sabi ko sa kanya. Agad naman niyang binawi ang kamay niya sa akin, pansin ko rin na namula siya dahil sa nangyari. "Kasalanan ko bang malambot yang kamay mo masarap hawakan?" sabi nito sa akin. "Mukhang totoo nga yung mga sabi sabi tungkol sayo." dagdag pa nito. "Sabi sabi? Tungkol sa akin?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Alam mo na, yung tungkol sa mga tomboy na nagiging babae ulit at mga straight na nababading dahil sayo." sabi nito sa akin. "Oh bakit mo naman nasabi na totoo yun?" tanong ko ulit sa kanya. "Paano ko nasabi?" tanong niya sa akin at iniharap ako sa kanya at tinignan sa mga mata. "Pakiramdam mo kasi nababading na ako sayo." sabi niya sa akin. Medyo naging tahimik kaming dalawa ngunit maya maya pa ay. "Hahahahaha" sabay naming pagtawa ni Jay. "Grabe Jay, ang epic, pwede ka nang mag artista!" sabi ko sa kanya. "Ang epic nga, mas lalo yung reaksyon mo kanina." sabi nito sa akin. "Ano bang reaksyon ko kanina?" tanong ko. "Parang kang natatae na ewan." sabi nito sabay tawa ulit ng malakas. "Sira ka talaga." sabi ko na lang. "Tara na nga ng marami pa tayo magawa sa mall." pagyaya nito sa akin at hinawakan ang aking kamay at tyaka ako hinila. Marami kaming napagkwentuhan ni Jay habang naglalakad, napakakwela niya at napakadaming baon na kwento. Hindi ko rin maitatanggi na malakas ang dating niya, gwapo, maganda ang tindig, at may mga nakamamatay na ngiti. Doon ko rin nalaman na nag iisang anak lang si Jay, mula siya sa isang mayamang pamilya at bukod pa doon ay matalino pa ito dahil grumaduate itong salutatorian noong highschool at consistent na dean's lister ngayon. Naglalaro din ito ng tennis na siyang mas nagpahanga sa akin sa kanya. "Grabe, siguro habulin ka ng mga chicks." sabi ko sa kanya habang naglalakad kami. "Hindi naman, actually wala pa akong nagiging girlfriend kahit isa o kaya never pa akong nagkaroon ng karelasyon." sabi nito sa akin. "Huh? Imposible naman na wala ka pang naging gf." nagtataka kong sabi sa kanya, imposible naman kasing wala, sa taglay niya kasing anyo at ugali, imposible walang magkagusto sa kanya. "Maniwala ka, wala pa talagan" sabi nito sa akin. "Tara sakay na tayo sa taxi." pagyaya nito sa akin. Pagkasakay namin sa taxi ay naging tahimik na siya ngunit pansin ko na iniba niya ang paghawak niya sa kamay ko, kung kanina ay simpleng paghawak lang, ngayon ay nakaintertwine na ang mga daliri namin. "Magshota ba kayo mga boss?" biglang tanong ni manong driver sa amin na mukhang nakita ang mga kamay namin. "Po?" gulat kong tanong sa kanya. "Opo manong, magshota po kami, bagay po kami diba?" sagot naman ni Jay na todo ngiti. "Bagay na bagay kayo sir, pareho kayong gwapo, tiyak matutuwa sa inyo yung mga anak kong babae." sabi pa nito. "Fangirl kasi yung isa, tapos yung isa naman, katulad niyo din, lantad nga lang pero tanggap ko iyon dahil mas gugustuhin ko pang maging bakla ang anak ko na nag uuwi sa amin ng karangalan kaysa maging lalaking lalaki ngunit basagulero naman katulad ng mga kapitbahay namin." sambit pa nito. Natuwa naman ako sa sinabi ni manong driver sa amin, napakaswerte ng mga anak niya dahil nagkaroon sila ng ama na maunawain at hindi sarado ang isip. Maya maya pa ay dumating na kami sa mall at bumaba na sa taxi. "Manong ito po yung bayad, keep the change na po." sabi ni Jay habang inaabot ang isang libong piso kay manong driver. "Naku sir, maraming salamat po!!" galak na galak na pagpapasalamat ng driver sa amin. "Bagay na bagay daw tayo sabi ni manong driver." sabi ni Jay sa akin. Hanggang ngayon ay hawak pa rin ang kamay ko. "Eh ano kung bagay na bagay tayo? Mukha atang tuwang tuwa ka pa, pinakilala mo pa akong boyfriend mo sa kanya." sabi ko naman. "Isa lang kasi ibig sabihin nun." sabi niya sa akin. "Ano naman ibig sabihin nun?" tanong ko sa kanya. Doon ay iniharap niya ako sa kanya, binitawan ang kamay ko ngunit muli tong hinawakan. Habang ang isang kamay ay inihaplos sa aking mukha. "Ibig sabihin lang nun, meant to be tayo." sabi nito sabay lapit ng mukha nito sa akin tyaka ako hinalikan sa aking mga labi. Naestatwa ako sa kanyang ginawa kaya hindi ako nakapagreact agad. Humiwalay din siya agad sa akin at ngumiti. "Tara na." pagyaya nito at muli nitong pinag intertwine ang mga daliri namin at hinila ako papasok sa loob ng mall.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD