Paunawa
Lahat po nang lalabas na pangalan, lugar at pangyayari sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang.
Kung ikaw ay against sa mga stories about same s*x relationship, mabuting huwag mo nang ipagpatuloy pa itong basahin.
At sa mga babasa sa istoryang ito, sana magustuhan nyu po ito.
Maraming salamat po.
--------------------------------
003
Liam's POV
Hindi ko alam ang gagawin ko, naiipit ako sa isang sitwasyon na napakahirap takasan. Bakit kasi sa dinamidami ng pwedeng makakita sa akin sa lugar na ito ay sila pang dalawa?
Bakit pinagtatagpo pa rin kami ng tadhana kung ako'y umiiwas na sa kanila?
"Bakit? Bakit ka umiiwas? Bakit pati ako ay kailangang madamay?" seryosong tanong ni Kyle sa akin.
Hindi ako makasagot o kaya ay makatingin sa kanya ng diretso dahil hindi ko alam ang isasagot ko, masyadong komplikado ngayon ang sitwasyon at ayokong madagdagan pa ang dapat kong harapin.
"Sumagot ka!!" galit na sabi sa akin ni Kyle at doon ay napatingin na ako sa kanya.
"Kyle" mahinang pagtawag ko sa pangalan niya.
"Tara na Kyle, huwag mo nang kausapin yan, wala tayong mapapala dyan sa taong yan. Mas mabuti na nga yang lumalayo siya eh, nalalayo din tayo sa mga issues." sabat ni Kurt. Seryoso ang mukha nito at kung tignan ako nito ay bakas inis sa kanyang mga mata.
"Kung ikaw ayos lang sayo na ganyan, pwes sa akin ay hindi. Hindi ko maaatim na lumayo sa isang tao na pinangakuan ko ng katapat ko bilang matalik na kaibigan." seryosong sabi ni Kyle na nagpabago ng mood ni Kurt. Mukhang tinamaan siya sa sinabi ni Kyle kaya napakagat na lang ito sa kanyang labi.
"Sige, kung iyan ang gusto mo, sige mag usap muna kayo." sabi na lang nito tyaka umalis.
"Ano, sasagot ka na ba?" tanong nito sa akin.
"Ah, ano, kasi Kyle, ano..." sabi ko pero hindi na ito natuloy nang may nagsalita sa likod ko.
"Oh Kyle, nandyan ka na pala, tara dun sa table ko nang maayos ko na yung paglipat niyo sa tinuturuan kong block." sabi ni ma'am Liwanag.
Kinuha ko na ang pagkakataon na yun para makatakas kay Kyle. Hindi pa ako handang magpaliwanag sa kanya dahil hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin alam talaga kung bakit ako umiiwas sa kanilang dalawa. Tama naman kasi siya eh, hindi siya dapat madamay sa hindi namin pagkakaunawaan ni Kurt.
"Oh Kyle may gagawin ka pala, sige ah mauna na ako." sabi ko kay Kyle sabay lakad na paalis.
"Teka wait lang Liam!" sabi nito pero hindi ko na siya nilingon at dirediretso lang ako palabas ng office.
Paglabas ko naman ay naabutan ko si Kurt na nakatayo sa gilid ng hagdan kaya naman iniba ko na lang ang direksyon ng aking pupuntahan.
Ito kasi ang gusto niya kaya ibibigay ko na lang. Hindi ko na siya tinitigan pa, umalis na lang ako doon nang walang iniiwang salita. Mas mabuti na ito kaysa makarinig pa ako sa kanya ng masasakit na salita.
Pagkatapos ng engkwentrong yun ay pumunta muna ako sa comfort room para umihi muna. Masyado kasing nakakatense ang mga pangyayari kanina, buti na lamang talaga ay nakalusot ako at nakaalis agad, kung hindi ay baka sa pantalon ko na ako naihi.
Lumipas ang buong araw ngunit hindi ako mapalagay. Para bang may kung anong mangyayari na hindi maganda kaya ang t***k ng puso ko ay napakabilis.
"Hoy!!!" sigaw sa akin ni Andy na siyang napakapagpagulat sa akin.
"Ano ba!!? Bakit ka ba nanggugulat!!?" inis na tanong sa kanya.
"Napakaseryoso mo na naman kasi eh!" sabi nito sa akin.
"Paki mo ba? Moment ko to kaya wag kang magulo!" sabi ko sa kanya.
"Che! May pamoment moment ka pang nalalaman dyan!" sabi nito sa akin. "Paano yan, bukas magiging kaklase natin nga bestfriend mo, anong plano mo?" tanong ni Andy sa akin.
"Huwag kang mag alala dahil nagawan ko na ng paraan yan." sabi ko.
"Wow, ang galing naman, ano namang paraan yan ginawa mo aber?" tanong nito sa akin.
"Bukas malalaman mo." sagot ko sa kanya.
"Bakit bukas pa? Pwede namang ngayon." sabi ni Andy sa akin.
"Bukas na para surprise, huwag ka nga excited." pang iinis ko sa kanya.
"Che!! tara na nga." pagyaya nito sa akin.
"Tara saan?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Samahan mo ako sa 7Eleven, may bibilhin lang ako." sabi nito.
"Ano ba yan, tanda tanda mo na hindi mo pa rin kaya mag isa?" tanong ko sa kanya kasi tinatamad na ako lumabas.
"Sige na friend!! Libre kita ng footlong!!" sabi nito sa akin.
"Tara na, para hindi tayo matagalan." biglang sabi ko sa kanya at hinila na siya palabas.
"Letse, kailangan talaga may suhol para sumama!" reklamo ni Andy sa akin.
"Huwag na magreklamo, sinasamahan ka na nga eh." sabi ko na lang at hindi ba siya nagsalita pa.
Kinabukasan ay mas maaga akong gumising, ito kasi yung unang araw na aattend ako sa pang umagang klase ni ma'am Liwanag para makaiwas dun sa dalawa kong kaibigan.
"Mukhang magiging maganda ang araw ko ngayon ah." sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa unang klase ko sa araw na ito.
Pagpasok ko sa room ay kakaunti pa lang sila, may mga nagulat pa dahil nakita nila ako.
"Bro, mukhang naliligaw ka ata." sabi ng isang lalaki sabay lapit sa akin.
"Di ba dito yung klase ni ma'am Liwanag?" tanong ko sa kanya.
"Oo dito nga." sagot naman nito.
"Kung ganun ay hindi ako naliligaw, Liam nga pala." sabi ko sabay nagpakilala.
"Jay." pagpapapakilala niya sabay abot ng kamay.
Kinuha ko ito at nakipagkamay sa kanya.
"Bakit parang ngayong ka lang papasok?" tanong nito sa akin
"Actually galing ako sa kabilang block, kaso kailangan ko magpalipat sa pang umagang klase kaya kinausap ko si mam kung pwede akong umattend na lang dito." pagpapaliwanag ko.
"Ahhh, ok, pero bakit kailangan mong dito umattend?" tanong ulit ni Jay sa akin.
"Hindi kasi ako pwede ng panghapon dahil kinakailangan kong magsideline. Alam mo na, para sa extra kita." sagot ko sa kanya.
Marami pa kaming napagkwentuhan ni Jay, mabait siya at higit sa lahat ay gwapo din. Ang gaan ng loob ko sa lalaking to, para bang ang tagal na naming magkakilala.
Naudlot lamang ang aming pag uusap ng dumating na si mam Liwanag kasama ang isang binatilyong hindi ko inaasahang aking makikita.
"Good morning class." pagbati nito sa amin. "Starting today, two of my students sa afternoon class na dito na aattend sa klase natin ngayon umaga. We have Liam and Kyle here, sila ang mga bagong classmates niyo." sabi pa ni mam.
"Hmmh, Kyle and Liam, maaari bang magtabi na lang kayo para hindi ako mahirap sa pagrecognize na galing kayo sa ibang klase?" tanong ni mam sa amin.
"Yes mam." nakangiting sabi ni Kyle na mukhang gustung gusto naman ang pagtatabi namin.
Wala na akong nagawa kundi ang tumabi kay Kyle, buti na lamang ay tumabi din sa akin si Jay kasi kung hindi, magiging awkward na masyado ang sitwasyon ko.
"So pang umaga ka rin pala aattend ng klase no." paumpisang sabi ni Kyle ngunit hindi ko siya kinikibo.
"Magsalita ka naman oh, talaga iniiwasan mo kami no?" tanong naman nito.
"Mamaya na tayo mag usap, nasa klase tayo." sabi ko sa kanya. Tumigil naman siya at nakinig na rin sa mga sinasabi ni mam sa harap.
Pagkatapos ng klase ay aalis na sana ako agad nang naramdaman kong may humawak sa kamay ko.
"Liam sandali." sabi ni Jay sa akin.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Maaari ko bang makuha ang cellphone number mo?" nahihiyang tanong nito sa akin habang nagkakamot ng ulo. Kung titignan mo nagwapo talaga niya, tapos may kakaiba pa akong nararamdaman sa bawat mga titig niya.
"Kunf kukunin mo ang cellphone number niya, mawawalan si Liam ng cellphone number." sabat bigla ni Kyle na kanina pa pala nasa likod ko.
"Huwag ka ngang sumabat, hindi ikaw ang kinakausap niya." sabi ko kay Kyle. "Akin na yung phone mo para maisave ko na dyan. sabi ko kay Jay.
Inabot naman niya sa akin yung phone niya at doon ay sinimulan ko nang itype ang number ko.
"Ayan oh, nasave ko na." sabi ko sa kanya sabay ngiti. Ngumiti din ito pabalik sa akin.
"Sige ah, salamat, kita kitz ulit next time." sabi nito sa akin at umalis na ito.
"Nagpalit ka na pala ng number kaya hindi na kita makontak." malamig na sabi ni Kyle sa akin.
"Bakit ba nandito ka? Alam mo bang nagpalipat ako sa pang umagang klase dahil iniiwasan ko kayo?" diretsahan kong sabi kay Kyle. Halata naman nang iniiwasan ko sila kaya hindi ko na ito dapay ideny pa.
"Alam ko, kaya nga nagpalipat din ako, ayaw ko lang kasi talaga yung ginawa mong pagdadamay mo sa akin sa hindi niyo pagkakaunawaan ni Kurt." sabi nito sa akin.
"I am just doing you a favor kaya ka nadamay, ayokong mangyari sa atin yung nangyari sa amin Kurt." sabi ko kay Kyle.
"Bakit? Sa tingin mo ba magiging kagaya ako ni Kurt kapag nangyari yun?" tanong nito sa akin.
Sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Ano nga ba ang magiging reaksyon niya?
"Oh, natahimik ka, pinangunahan mo naman kasi ako eh." sabi nito.
"Tyaka na ulit tayo mag usap, may klase na ulit ako. " sabi ko sa kanya.
"Sabi mo yan ah." sabi nito sa akin.
Nginitian ko na lang siya, hindi ko rin alam kung bakit pero feeling ko, ayos lang siguro na makasama ko siya dahil wala na akong magagawa dahil magkikita't magkikita kami.