Paunawa
Lahat po nang lalabas na pangalan, lugar at pangyayari sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang.
Kung ikaw ay against sa mga stories about same s*x relationship, mabuting huwag mo nang ipagpatuloy pa itong basahin.
At sa mga babasa sa istoryang ito, sana magustuhan nyu po ito.
Maraming salamat po.
--------------------------------
002
Liam's POV
Lumipas pa ang isang linggo at tuluyan ko na ngang nailayo ang sarili ko sa aking mga kinilalang matalik na kaibigan.
Alam kong hinahanap ako ni Kyle dahil sabi sa akin ng mga kaboardmates ko dati ay pabalik balik daw si Kyle doon at tinatanong kung may balita sila sa akin.
Ngunit lagi itong bigo dahil mahigpit kong pinagbilin na huwag na huwag nilang sasabihin kung nasaan ako.
Pinalitan ko na rin ang cellphone number ko at pati na rin ang mga social media accounts ko ay nakadeactivate na.
Pinagbilin ko rin sa kahit sinong kakilala ko sa school at nakakasalamuha sa akin ay huwag na huwag na sasabihin na nakita nila ako kapag may nagtanong sa kanila, tinulungan din naman ako nila Andy at Jericho para hindi ako agad makita ni Kyle.
Hindi ko alam kung tama ba talaga ang ginagawa kong pag iwas sa kanila pero para sa akin kasi ay ito ang tama kong gawin dahil ayaw kong magkaroon pa sila ulit ng problema dahil sa pagkatao ko.
Tuwing minsan ay nakikita ko silang dalawa na magkasama, hindi ko maiwasang isipin na sana ay kaming tatlo ang magkakasama at masayang nagbibiruan, kung hindi sana nalaman ni Kurt ang nararamdam ko para sa kanya ay hindi ko na kakailanganin pang lumayo.
"Oh malungkot ka na naman!!" sabi sa akin ni Andy sabay abot sa akin ng vanilla ice cream.
"Hindi ah." sabi ko naman sabay kuha nung ice cream. "Salamat!" sunod ko pang sabi sabay ngiti.
"Walang anuman, alam ko namang ayan lang magpapasaya sayo ngayon eh." sabi naman nito.
"Paano mo pala nalaman na nandito ako ngayon?" tanong ko sa kanya. Ang pagkakaalam ko kasi ay hindi ako nagpaalam sa kanya kung saan ako pupunta.
"Alam ko namang dito ka pumupunta tuwing ganitong oras, at alam ko rin na kaya ka nandito ay para tignan ang mga kaibigan mo." sagot naman nito.
"Hala, hindi ah, dito lang talaga ako tumatambay kasi tahimik at maganda dito kasi nasa ilalim ng puno." pagpapalusot ko naman.
"Ako pa talaga ang niloko mo, hoy! kilala na kita Liam, alam kong namimiss mo na sila kahit hindi mo man sabihin." sabi nito sa akin.
"Bakit ba kasi ayaw mo pang magpakita sa kanila? Hindi naman siguro mangyayari ulit yung nangyari dati di ba?" tanong na naman ni Andy.
"Mas mabuti na yung ganito, yung pinagmamasdan ko sila mula sa malayo." sagot ko sa kanya.
"Mas mabuti pero nasasaktan ka." sabi naman nito.
Totoo, mas mabuti pero nasasaktan talaga ako, nasasaktan ako dahil nagawa akong ipagtabuyan ng sarili kong matalik na kaibigan, at higit pa roon ay kailangan kong layuan ang isa pa para hindi na siya madamay pa.
"Hoy!! tulala ka na naman!" sabi sa akin ni Andy na nagpabalik sa ulirat.
"Huh?" sabi ko sa kanya sabay balik ng tingin sa mga kaibigan ko sa malayo ngunit laking gulat ko ng makita kong nakatingin na sa amin si Kurt na nakakunot ang nuo.
Dahil sa taranta ko ay agad kong kinuha ang kamay ni Andy at tumakbo palayo. Hindi niya akong pwedeng makita dahil alam kong hindi niya gugustuhin yun.
"Ano ba? Bakit ka ba biglang nanghihila?" tanong ni Andy sa akin.
"Nakita ako ni Kurt!!" sagot ko sa kanya.
"Eh ano kung nakita ka niya?" tanong ulit ni Andy.
"Hindi niya ako pwedeng makita!!" sagot ko ulit.
"Sus, bakit hindi pwede?" tanong niya ulit.
"Ang kulit mo!! tara na nga at umuwi na tayo!" pagyaya ko sa kanya para tumugil na ang bibig niya sa pagtatanong.
Pagkauwi namin sa tinutuluyan namin apartment ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at inilock iyon. Tinungo ko agad ang kama ko at doon ay nagsimulang umiyak.
Masakit pala talaga, masakit pala talagang lumayo sa taong mahal mo, at sa mga taong labis mong pinapahalagahan. Miss na miss ko na ang samahan naming tatlo, yung bonding namin tuwing magkakasama kami, yung mga bagay na ginagawa namin na tanging sa panaginip na lang maaaring maulit.
Nagising ako dahil sa ingay ng pagkatok ng pinto ng aking kwarto, agad kong tinignan yung cellphone ko at nakita kong alas nuwebe na pala ng gabi.
"Liam, late na oh, hindi ka pa kumakain." sabi ni Andy mula sa labas.
Oo nga hindi pa ako kumakain, hindi ko kasi napansin na nakatulog pala ako.
Agad agad akong tumayo at lumabas ng kwarto.
"Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Andy sa akin.
"Oo naman, bakit mo naman natanong?" sabi ko naman.
"Namumugto kasi yang mga mata mo." sabi nito sa akin.
"Ah ito ba, wala ito, wag mo na lang isipin." sabi ko sa kanya. "Kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanya.
"Oo tapos na kaming kumain ni Jericho, bale nasa lamesa na yung ulam mo pati na rin yung kanin." sabi naman nito sa akin.
"Sige salamat." pagpapasalamat ko sa kanya at pumunta na sa kusina para kumain.
Kinabukasan..
Sabay kaming umalis ng bahay ni Andy dahil magkaklase kami sa unang subject namin sa araw na ito. Actually ay kaklase ko siya sa lahat ng subjects ko kaya lagi kaming nagsasabay. Kung tutuusin ay maaari ko nang ituring na matalik na kaibigan si Andy dahil siya ang laging umaalalay sa akin simula ng makilala ko siya. Isama mo pa yung boyfriend niyang napakabait at nagawa pa akong patirahin sa tinutuluyan nila.
Pagdating namin sa loob ng room ay nadatnan naming mag uusap usap ang mga kaklase namin.
"Mga bro, sabi sa akin ni Ma'am Liwanag ay ipagmemerge daw ang block natin at isa pang block sa subject niya dahil nadisolve daw yung klase nung kabila dahil walang matuturo sa kanila." sabi ng isa naming kaklase na nagngangalang Oliver.
"Oh? Edi madadagdagan tayo sa klase natin mamayang hapon?" tanong ni Christopher na katropa niya.
"Parang ganun na nga." sagot naman ni Oliver.
Tatanungin ko sana kung anong block yung hahalo sa amin ngunit sakto naman dumating yung instructor namin.
Pagkatapos ng klase ay hindi ko na rin sila natanong dahil agad silang umalis na dalawa, hindi pa man din namin sila kaklase sa iba pa naming subject ngayong araw bukod sa unang klase at isang subject namin mamayang hapon.
Para akong nakaramdam ng kaba dahil sa balitang yun, hindi ako mapakali, para kasing may hindi magandang mangyayari, paano kung yung block na pinanggalingan ko yung makamerge namin? Anong gagawin ko? For sure ay makikita ako ni Kurt at ni Kyle.
Sumapit ang hapon at dumating na rin ang oras ng klase namin kay ma'am Liwanag. May naisip na akong paraan para makasiguradong hindi nila ako makita kung sakaling sila man ang mga kaklase ko. Kinuntyaba ko na si Andy, plano kong hindi pumasok at siya naman ang magiging mata ko sa classroom.
Ito kasi ang tanging paraan na naiisip ko para hindi ako makita nila Kurt kung sakaling yung block c nga yung makakamerge namin.
Umuwi na ako agad upang magpahinga, hihintayin ko na lang si Andy dito sa bahay para makibalita sa kanya mamaya.
"Hoy Liam!! Gising!!" sabi ni Andy para gisingin ako.
Nakatulog pala ako sa paghihintay sa pagdating niya. Nakahiga kasi ako sa sofa habang hinihintay yung oras.
"Oh anong balita?" agad kong tanong sa kanya.
"OMG friend!! buti na lang talaga at hindi ka pumasok!! Yung block c yung nakamerge natin at nandoon ang mga bestfriends mo!" balita sa akin ni Andy na siyang ikadismaya ko naman.
Bakit ba kung kailan ako lumalayo ay tyaka naman kami pinaglalapit. Mukhang wala na talagang magagawa kundi gawin ang plano ko para hindi nila ako makita.
Pumasok ako ng mas maaga ngayon dahil gusto kong kausapin si ma'am Liwanag tungkol sa schedule ko sa kanya. Gusto ko kasing malaman kung may iba pa siyang klase sa subject na iyon para mapakiusapan ko siya na doon na lang ako papasok sa slot na iyon.
Mabait naman si ma'am Liwanag at madaling pakiusapan. Isa din siya sa mga best na professors dito sa university ayon na rin sa survey ng school.
Pagpasok ko sa office nila ay agad kong hinanap ang pakay ko at hindi naman ako nabigo dahil nandoon si ma'am Liwanag sa may table niya.
"Good morning ma'am." pagbati ko sa kanya.
"Oh Liam, kumusta? Bakit hindi ka nakapasok kahapon?" tanong nito agad sa akin.
"Ano po kasi ma'am, bigla pong nanikip ang dibdib ko kahapon kaya napagdesisyunan ko nang umuwi." pagsisinungaling ko naman.
"Ah ganun ba? Pero ayos ka naman na ba ngayon?" tanong nito sa akin.
"Ok na po ako." sagot ko naman.
"Mabuti naman, ano ba ang sadya mo ngayon at napaaga ka ata ng pasok?" tanong naman nito.
Ayun nga at inilahad ko na yung concern ko sa kanya. Ang naging palusot ko na lang kaya kailangan kong pumasok sa ibang timeslot dahil kailangan kong magtrabaho para masustentuhan ko ang aking sarili sa pag-aaral.
Tulad nga ng inaasahan ko ay may iba pa ngang timeslot na tutugma din sa schedule ko kaya wala akong naging problema, pumayag din naman agad si ma'am Liwanag na ganun ang maging setup namin. Inalukan din ako nito na pumasok as Student Assistant sa office nila para magkaroon ako ng scholarship ngunit tinanggihan ko na iyon dahil baka hindi ako makapagtrabaho.
Buti na lang talaga at tumalab yung palusot ko kay ma'am at hindi na siya nag usisa pa, ang mahalaga daw ay hindi ko naisipang idrop na lang yung subject at mas piniling pumasok na lang sa ibang slot.
Nakangiti akong naglalakad palabas ng faculty nang biglang may nagsalita sa gilid ko na siya namang kinagulat ko dahil kilala ko kung kanino ang boses na iyon.
"Mukhang wala ka talagang balak magpakita sa amin ah, kung hindi pa ako nagpunta dito ngayong umaga ay hindi ko malalaman na kaklase ka pala dapat namin kahapon." sabi ng taong ngayon ay nakalapit na sa akin at kasalukuyang nasa aking harapan. Bakas sa mukha niya ang inis at tila ba nagtitimpi ng galit.
"Kyle?" pagtawag ko sa pangalan ng kaibigan ko na iniiwasan ko.
Akala ko ay hanggang doon na lang ang mangyayari ngunit laking gulat ko nang may pumasok na naman sa office na isang lalaking isa sa mga nagdudulot sa akin ng sakit.
"Ano ba Kyle, ang tagal mo naman." sambit ni Kurt na may halong inis sa boses nito.
Tinignan ko siya at ganun din siya sa akin. Wala akong mabasang emosyon sa kanya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya na makita ako pero ako, purong kaba at takot ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.
Paano kaya ako makakatakas sa sitwasyon kong ito?