-=Gabby's Point of View=- "Ok ka lang ba Gabby?" nagulat na lang ako ng marinig ko ang boses ni Ate Mel, hawak hawak ko ang dibdib ko na sobrang bilis pa din sa pagkabog. "He's back." wala sa sarili kong nasabi dito, bigla naman kumunot ang noo nito sa sinabi ko. "Sinong nakabalik?" naguguluhan pa din nitong tanong sa akin. "Jayden's back." natatakot kong sagot naman dito, ilang segundo din bago nagregister dito ang sinabi ko, kita ko naman ang pag-aalala sa mukha nito. "Ano nang balak mo niyan? Ipapakilala mo na ba si Caleb sa ama niya?" tanong naman nito. "No! Hindi na niya dapat malaman na nagkaanak siya sa akin, alam mo bang ibig sabihin kapag nalaman niyang meron pala siyang anak?" naiiling kong sinabi dito, ayokong isipin ang mangyayari kapag nalaman ni Jayden ang totoo, maliba

