-=Gabby's Point of View=- Isang malalim na paghinga ang ginawa ko habang nakatingin sa natutulog kong anak, three years have passed since hinayaan kong lumayo ang taong pinakamamahal ko, ang Tatay ng anak ko, pero kahit ganoon ay ramdam na ramdam ko pa din ang pangungulila dito, gayon din ang takot kapag nalaman nito ang totoo. Madaming nangyari matapos mawala sa buhay ko si Jayden, I decided to leave my job since pagmamay-ari na iyon ni Jayden at baka may makapagsabi dito kapag tuluyan nang lumaki ang tiyan ko, malungkot akong umalis lalo na't nandoon pa din ang kaibigan kong si Regina, alam kong nagulat ang mga kasamahan ko doon, pero wala nang nakapigil pa sa akin, inamin ko na din sa kaibigan kong iyon ang totoo at hindi naman niya ako jinudge, nakakalungkot lang dahil natuloy ito sa

