-=Jayden's Point of View=- Two weeks have passed nang ganoon ganoon na lang, dalawang linggo na din sa bahay si Gabby at sa loob ng dalawang linggong iyon ay minsanan na lang din ako mag stay doon, kung gusto kong makasama si Caleb ay pinapasundo ko na lang ito sa assistant ko. Alam ko naman kasi na mangyayari ito, I invited her because my son needed his mother, pero sa nangyayari ay hindi ko naibibigay ang buong atensyon ko sa anak ko. "You're drinking again?" narinig ko naman sa bandang likuran ko, kahit hindi ko tignan kung sino iyon ay kilalang kilala ko ang boses na iyon. "You know this is really your fault." matabang kong sagot sa bestfriend ko na si Isaiah, ni hindi man lang akong nag-abalang tignan ito, nagpatuloy lang ako sa iniinom ko. Nasa opisina pa kasi ako at kahit uwian

