-=Gabby's Point of View=- Lumipas ang mga araw hanggang naging linggo, mula nang mangyari ang pamamasyal namin ng anak ko kasama ni Jayden ay naging maayos na naman ang lahat, ngunit napansin ko ang tila ba pag-iwas sa akin ni Jayden, pilit kong sinasaksak sa isip ko na mabuti na iyon, na hindi na kami nagkikita, maiiwasan ko pa ang masaktan sa mga maaring sabihin nito o iparanas sa akin, pero bakit ganoon? Dapat makahinga na ako ng maluwang ng dahil sa nangyayari pero mas nasasaktan ako. "Good morning baby, almusal na tayo." nakangiti kong aya sa anak ko, mukhang wala pang balak itong bumangon, kaya naman naisipan kong kilitiin ito sa tagiliran at ilang sandali nga lang ay napuno na ang kuwarto nito ng hagikgik nito. Matapos ko itong mapabangon ay agad kong inayos ang higaan nito, at

