Nang araw na umalis sa kabisera si Meisha para pumunta sa tore ng babelon, mas lalo pang naging tumindi ang pagkabahala ng mga tao rito sa kabisera. Huwag tingnan na mukhang bumalik sa ayos ang lahat matapos ang pagsalakay ng mga halimaw, pero ang totoo niyan ay nagsimula ng nangamba ang mga mamamayan rito, lalo na ang mga taong maharlika. Sino naman hindi? Hindi pa naman nangyayari ang ganitong bagay sa loob ng limampung taon. Sa loob ng limampung taon ay sapat na iyon para magkaroon ng malakas na kumpiyansa na ang kanilang seguridad dito sa kanilang kaharian ay napakalakas at mahigpit. Ngunit nang gabing nangyari ang insedente na iyon ay parang binigyan sila ng malakas na sampal sa mukha na tila ba iyon ang nagpagising sa kanila sa katotohanan. Hindi gano’n katindi kalakas ang kanila

