Dalawangpup’t tatlong taon na pala ang edad ng damuhong ito ayon sa narinig niya mula sa kanila. Mukha lang daw mas matanda ito sa edad dahil sa bigote nito at pangangatawan. Ibig sabihin niyon ay mali ang impormasyon na nakuha niya mula sa tindero ng alipin. Ang damuho na ito, kung makatawag sa kanya ng neneng ay parang matanda tas beinte tres pa pala ito. Gayunman, kahit na beinte tres na ito ay hindi parin maikakaila na may pagka-isip bata ito. Matapos ang episode na ito ay wala na rin siyang issue sa pagsali sa kanilang grupo. Pinakilala siya ng mga ito sa grupo at kagaya ng inaasahan niya. Hindi lahat ng mga tao na nandito ay tanggap ang kanyang pagsali sa kanilang ekspedisyon. Gayon pa man ay hindi naman lantaran na pinakita na hindi sila nasisiyahan sa pagsali niya. Siyempre, kaga

