#5 When My Cold Boyfriend Saw Me Being Bullied By My Bestfriends

1441 Words
|Luna's POV| Masaya naman ako kahit cold ang boyfriend kong si Park Jimin. Nag-uusap naman kami, pero hindi masyadong sweet. Nagkikita, pero hindi para maglambingan, kundi para samahan akong gumawa ng projects and assignments. Minsan hindi ko na rin maintindihan kung ano'ng mayroon sa aming dalawa. Nanligaw naman siya, he's sincere and he said that he truly loves me. Ang hindi ko lang alam is kung bakit sobrang cold sa akin ng taong ito. Minsan lang niya ako yakapin at sabayan kumain, pero palagi niya akong hinahatid at sinusundo. Minsan gusto ko na rin siyang tanungin kung seryoso pa ba siya sa akin, pero natatakot akong malaman ko ang totoo niyang nararamdaman. "B-Babe." kinakabahan kong pagtawag sa kaniya. Dahan-dahan akong nilingon ni Jimin. Kasalukuyan akong gumagawa ng project dito sa bahay nila, nasa sala kaming dalawa at sobrang tahimik talaga rito! Hindi kami yung tipikal na magkarelasyon na inuuna ang harot. "May kailangan ka pa ba?" he said coldly. "W-Wala naman. Nilalamig kasi ako." ani ko. Naupo si Jimin sa sahig upang tabihan ako. "May jacket ka namang dala, bakit kasi hinubad mo pa?" tila naiinis nitong sabi. Gusto kong lumubog sa lupa dahil sa sobrang pagkahiya. Akala ko talaga lalambingin niya ako! Nakakainis na siya, napupuno na ako sa kaniya. Gusto kong maiyak sa galit. "Jimin ano ba talaga tayo?" tuluyan nang naubos ang pasensya ko sa kaniya. "Girlfriend kita." matipid niyang tugon. Napaka-cold pa rin niya. See? Sino ba namang babae ang hindi maiinis at magagalit kung ganyan ang ugali ng boyfriend niya? Duh! Maski CEO si Jimin, wala akong pakialam doon, ang mahalaga dito ay ang nararamdaman ko para sa kaniya. Pagod na akong umintindi sa kaniya. Tahimik ko nang tinapos ang painting project ko which is mukha ni Jimin, INSPIRATION kasi ang tema kaya siya agad ang pumasok sa isip ko. "Uuwi na ako." tumayo na ako para ligpitin ang mga art materials na ginamit ko. Hinawakan ni Jimin ang kamay ko, marahan ko siyang nilingon. "Ihahatid kita bukas." Bullshit! Ganun lang? Akala ko pipigilan niya akong umalis. Akala ko mag-aalala siya sa akin, akala ko magmamakaawa siya na huwag akong umuwi. Pero ilusyon ko lang pala 'yon lahat. Anak ng tokwa talaga! Sa sobrang inis na aking nadarama ay padabog kong nilisan ang kaniyang bahay. Walang kwenta! Oo, walang kwenta si Jimin. Cold, bwisit, basta masama siyang tao. Kung cold siya sa akin, then fine! I will do the same thing for him to feel what I feel. Gantihan lang kaming dalawa. **** It's submission day! As usual, hinatid na naman ako ni Jimin. Sobrang tahimik dito sa loob ng kotse, tanging makina at mga sasakyan lang ang maririnig. Kahit naman i-kwento ko sa kaniya ang talambuhay ko, wala rin namang epekto 'yon. Tila bato sa tigas ang taong kasama ko, mas malamig pa sa Alaska at parang wala nang paki sa mundo. E bakit pa siya nabuhay kung ganun? Nakarating na kami sa parking lot area ng school. Hindi gaya ng ibang mag-karelasyon, wala kaming 'goodbye kiss nor hug' ni Jimin. Para lang akong sumakay sa taxi. s**t! "Susunduin kita." Tumigil ako sa paglalakad upang lingunin siya. This is the very first time na ibinaba ni Jimin ang bintana ng kotse para sabihin sa akin 'yon. "Sige." medyo napalakas ang boses ko kasi malayo-layo na ako sa kaniya. Tumakbo na ako patungo sa canteen dahil doon naghihintay ang aking mga kaibigan na sila Xandrina at Pola. Magkasalubong ang kanilang kilay, sa hindi ko maintindihang dahilan ay bigla na lamang hinila ni Xandrina ang bag ko at ibinalibag ito. Nakuha nila ang atensyon ng mga estudyanteng nakatambay at kumakain. "What is the meaning of this, Xandrina? Pola, bakit? M-May nagawa ba ako?" sobrang nagtataka talaga ako sa ginagawa nila. "Last Thursday pinaalalahanan na kita. But you still continue your relationship with Park Jimin! I told you to leave me him, Luna! Mahirap bang gawin 'yon?" galit na sabi ni Xandrina. Bigla kong naalala yung napag-usapan namin noong Huwebes ng gabi sa isang restaurant. Matagal nang may gusto si Xandrina sa boyfriend ko, at sabi pa niya sa akin ay kaya niya akong talikuran bilang best friend niya just to steal Jimin from me. Hindi ko naman kayang gawin 'yon kasi nagmamahalan kami ni Jimin kahit parang wala siyang interes sa akin. And now, she's really mad at me like she's going to kill me. Nagulat ako nang biglang humampas sa akin ang plato na may pasta, kagagawan ito ni Pola. "Napupuno na ako sayo! E hindi ka naman mahal ni Jimim pero pinagpipilitan mo 'yang sarili mo sa kaniya." hinila ni Xandrina ang buhok atsaka nilampaso ang aking mukha sa mesa na puro dumi ng natapong pagkain. I even felt something strange on my stomach, Pola punched me. Tapos may dalawang students na tumulong sa kanila para bugbugin ako ng tuluyan. Unti-unti na akong nanghihina, hindi ko sila kayang labanan dahil mag-isa lang naman ako. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng malakas na sigaw, nakahandusay na rin ako sa sahig dahil sa tindi ng pagkabugbog. "Stay away from my girlfriend!" "Who. The. f**k. Are. You. To. Hurt. Her?!" "Bullshits!" "Stay away from Luna!" Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin, unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. "J-Jimin?" utal kong bigkas. "I'am sorry, Babe." naiiyak nitong sabi. **** |Jimin's POV| I was ready to leave when I saw a canvass at the backseat. Nagtataka ko itong kinuha, naka-paint ang mukha ko at may pirma ni Luna. Mayroon din itong kasamang papel, syempre binasa ko muna. 'Luna Kang. Theme: Inspiration This is the precious and beautiful face of my CEO boyfriend, Park Jimin. Although he's so cold as ice, I still understand and love him. He is my inspiration and the only reason why I'am excelling on the class. I have so many goals in life, and I want to be a successful CEO like him. He didn't know how much I love him, how much I value him. And I hope this painting will win so that he can see this posted at the school gate.' Parang nadurog bigla ang puso ko. Luna is so matured and smart. Mahal ko siya, mahal na mahal. I was so stressed, kaya hindi ko siya nabibigyan ng oras at atensyon. Masyado akong nabahala 'nung sinabihan niya akong cold. Hindi 'yon totoo. Hindi naman kasi ako showy na tao, hindi maharot at palaging naka-focus sa mga importanteng bagay. Pinaghahandaan ko lang naman ang future naming dalawa. "This is very important." kinuha ko yung canvass atsaka hinanap si Luna. Ngayon na ang deadline nito, kaya hindi pwedeng hindi niya ito dala. Sinilip ko si Luna sa art room, ipinatong ko ito sa mesa kung saan may naka-dikit na papel na may pangalan niya. Palabas na ako ng room nang may nakita akong nagtatakbuhang mga students sa hallway. "Binabanatan daw si Luna ng apat na students!" "Luna is beaten by her very best friends." "Tara, panoorin natin!" Si Luna? Nagmamadali akong tumakbo papunta sa lugar kung saan nangyayari ang kaguluhan. I saw Luna lying on the floor, her face was bleeding and full of dirt, pinagsisipa siya ng apat na estudyante. Nagpunta ako sa gitna to rescue my girlfriend. "Stay away from my girlfriend!" "Who. The. f**k. Are. You. To. Hurt. Her?!" "Bullshits!" "Stay away from Luna!" Tinitigan ko sila. Mga walang puso! Binuhat ko si Luna papunta sa parking lot. "J-Jimin?" utal niyang sabi. "I'am sorry, Babe." nakaramdam ako ng awa. Isinakay ko na siya sa loob ng kotse, pinunasan ko ng wipes ang kaniyang mukha. "G-Gusto kasi ni Xandrina na iwan kita at ipaubaya sa k-kaniya." umiiyak si Luna. "Sa tingin mo ba papayag akong mangyari 'yon? Mahal kita Luna, sobrang mahal na mahal kita. I'am very sorry. I was just too busy on preparing for our future. Magmula ngayon itutuon ko na sayo ang atensyon ko." naiiyak kong sabi sabay halik sa kaniyang labi. Bago pa mahuli ang lahat, bago pa ako magsisi, kailangan kong iparamdam at ipakita kay Luna na mahalaga siya sa akin, na totoo ko siyang minamahal. Luna is my life and my everything, she's my treasure that I value a lot. No one can replace my Luna. She's one of a kind, she's the only Luna Kang that I want. I'm cold? No, never. I will give her all of my attention and time. Because Luna is important than to my job. Hinding-hindi ko na hahayaan na may manakit pa sa kaniya. And I will protect her at all cost. -The End
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD