#4 I LEFT HER BECAUSE SHE HAD A HEART DISEASE

443 Words
“Diba gusto mong gumaling? ” tanong ko sa girlfriend ko na ngayon ay kaharap ko. “Oo naman,” walang alinlangan na sagot n'ya. “Talaga? ” tanong ko ulit. “D-avid-” “Iwan mo ako at sumama kana sakanila.” Bigla s'yang tumawa sa sinabi ko. “Nice joke David napatawa mo ako,” sambit n'ya habang tumatawa. “I'm not joking I'm serious. ” “David, hindi kita kayang iwan, ayokong sumama sakanila.” “B-bakit ako? magulang mo pa din sila.” “David, Mahal na mahal kita, handa kong talikuran ang pamilya ko para sayo,” sambit nya. “Pano mo nasasabi ang lahat ng 'yan? hindi kita mahal lahat ng meron tayo noon kalimutan mo nayon.” “Dahil ba may sakit ako? Mag papagaling ako may donor na kami gagaling na ako! pero pakiusap wag mo lang kaming iwan ng An- " Pinutol ko agad ang sasabihin n'ya dahil hindi pa ako handa sa mga pinag sasasabi n'ya. “Masyado pa tayong mga bata kaya umalis kana, iwanan mo na ako. Hindi kita kayang alagaan pano kung nabuntis kita? Hindi pa ako handang maging ama. At kung tayo man hanggang dulo gagawa ng paraan ang tadhana para mag kita muli tayo.” Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ko. Pero pipilitin kong maging matapang. “Ang unfair mo David!” Tumulo ang butil ng luha sakan'yang magagandang pisngi. Gusto ko s'yang yakapin at sabahing mahal na mahal ko s'ya pero hindi ko magawa dahil ayokong maging mahina sa harapan n'ya. “Since when life is fair? ” wala sa sariling saad ko. “A-akala ko pa naman kaya mo‘kong ipag laban tulad ng sinabi mo noon, isa kang sinungaling, mahina! wala kang kwenta, sana hindi nalang kita nakilala! ” Sinampal nya'ko at tsaka s'ya umalis. “Mahal na mahal kita, pero kailangan kong unahin ang kapakanan mo kesa sa sarili ko. Dahil mas mahalaga ka. I hope you can forgive me,” bulong ko sa hangin. — Lumipas ang ilang taon. NAPANGITI ako nang makita ang babaeng 'kay tagal kong hinintay. Hindi ako makapaniwala sobrang laki ng pinag bago n'ya mas lalo s'yang gumanda, natupad n'ya na ang pangarap nya, maganda na ang buhay n'ya ngayon. I smiled bitterly. Bumaling ako ng tingin sa lalaking kaharap ngayon ng babaeng minahal ko, siguro ay asawa n'ya ito. "Masaya ako para sayo dahil nakahanap kana ng lalaking mamahalin ka hanggang dulo, at ngayon nakabalik kana hindi na ako mag aalala pa, hahayaan ko na rin ang sarili ko na magpahiga, " tanging nasambit ko sa kawalan. I was her donor. I donated my heart to save her and our child. Alam kong buntis s'ya noon na dapat ipagtatapat n'ya kaya kung kinakailangan ibubuwis ko ang buhay ko para lang mabuhay ang mag Ina ko gagawin ko. —The End
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD