Chapter 9 "ANONG LASA? MASARAP 'DI BA?" Puno ng kumpiyansang tanong ni Samuel pagkatapos kong tikman ang ginawa niyang kape sa akin. Nagkunwari akong nag-iisip habang ninanamnam ang lasa ng kape. Yes. "Puwede na. Okay naman ang lasa niya." Mukhang hindi nito nagustuhan ang sagot ko. "Okay na? Puwede na? Anong klaseng sagot 'yan?" Pigil ko ang mapangiti. Mukhang hindi ito sanay na hindi nakakatanggap ng papuri. "Puwede na sa presyo 'yong lasa. Hindi na ako lugi sa ibinayad ko." Lalong umasim ang mukha nito. "Hindi ka ba puwedeng sumagot nang totoo? Hindi ka mamamatay kung aaminin mong nasarapan ka." "Well, for me sakto lang. Hindi siya masarap na mapapa-wow ako at hindi rin naman pangit na madi-disappoint ako. Sakto lang sa presyong ibinayad ko." Tawang-tawa na ako dahil

