SAMUEL PRENTE AKONG NAKAUPO sa tabi ni Fran nang bumukas ang pinto ng studio nito. Bumungad doon si Ella at si Valeencia. Ilang sandaling tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang magtama ang mga mata namin ni Ella. Sunod-sunod akong napakurap nang ngumiti ito. Nang tumayo si Fran para salubungin ang mga ito ay doon ako natauhan sa ilang sandaling pagkakatulala kay Ella. Hindi ko inaasahang darating sila. Walang binanggit si Fran sa akin. Pero parang gets ko na kung bakit pinilit ako ng kapatid ko na sumama sa kaniya ngayon dito sa studio. Dalawang linggo akong hindi nagawi rito dahil ayokong makita ang kaibigan niya. Pero hindi ko alam na darating siya ngayon. Sa sulok ng mga mata ko, ramdam kong nakatingin si Valeencia siya sa akin. Pero hindi ko siya tinapunan maski sulya

