VALEEN HINAYAAN AKO ni Samuel na umiyak sa mga bisig niya. Wala siyang sinabi kahit ano, basta yakap niya lang ako. Na-appreciate ko siya ngayon dahil isinantabi niya ang sama ng loob sa akin para damayan ako ngayon. Na kung tutuusin ay hindi niya kailangang gawin para sa akin. Lalong naglaglagan ang aking mga luha nang haplusin niya ang likod ko sa masuyong paraan. Ngayon lang may nag-comfort sa akin nang ganito. Madalas kasi ako ang nagko-comfort sa kanila. May ilang minuto ang lumipas na tahimik akong umiyak. Nang tila maubos na ang luha, nahihiyang kumawala ako sa pagkakayakap ni Samuel. "Okay ka na?" Masuyo nitong tanong. "Y-Yeah. T-Thank you." Senserong pasalamat ko. "You're welcome." Nakangiting sagot nito at tinuyo ang mukha ko. Napatulala ako sa kaniya, pero ngumit

