CHAPTER 15

2109 Words

Valeen MAHINANG kumawala ang ungol sa bibig ko habang inaalis ni Samuel ang nakatusok sa paa ko. "Aray!" Reklamo ko at binawi ang paa ko. Pakiramdam ko mas bumabaon 'yon sa paa ko. Nag-angat ito ng tingin. "Huwag mong hilahin. Paano ko makukuha kung hila ka nang hila?" Sermon nito. "Eh, sa masakit, eh." "Mas masakit 'yan kung hindi maaalis. Lalo na't hindi lang naman isa ang nakatusok sa paa mo." "Hindi isa?" Bulalas ko. "Ilan?" "Marami. Tinik ng aromang dagat ang nayapakan mo." Tinik? Hindi ko alam ang aromang dagat na sinasabi nito, pero tinik alam ko. Kaya pala masakit lalo na nang tangkain kong tumayo kanina. "Kaya mo bang maglakad? Para do'n tayo sa mas maliwanag?" Hikayat nito. "Paano ako lalakad? E, 'di mas babaon 'yan." Pagtataray ko. "Maliwanag din naman dito,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD