VALEEN "ANO BA'NG PROBLEMA MO?" Napipikang tanong ko kay Samuel. Sunod kasi siya nang sunod kahit saan ako pumunta. Naiirita ako. "Bakit ka ba sunod nang sunod?! Ano ba'ng gusto mo, ha?!" Inis na inis na ako, pero nagawa pa nitong ngumiti kaya lalo akong nairita. Sinubukan ko siyang dedmahin. Dala ang camera ko, naglakad-lakad ako. Kumuha ako nang kumuha ng mga larawan ng lugar nina Ate Ella. Dahil sa kakaiwas dito, napapalayo na ito. Pero nakasunod pa rin ito sa akin. Inis ko itinigil ang pagkuha ng mga larawan at gigil siyang hinarap. "Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo, Samuel! Tantanan mo 'ko, puwede ba?!" "What if I don't?" Matalim ko siyang tiningnan. "Hindi ko alam ang trip mo, pero utang na loob tantanan mo 'ko. Huwag mo akong sundan dahil gusto kong mapag-isa." Mari

