VALEEN BAGO PA MAN AKO makabawi sa pagkabigla dahil sa kapangahasan ni Samuel, tanging likod na lamang niya ang natanaw ko. Pagkatapos niyang nakawin ang first kiss ko, nagmamadali na siyang umalis. Ni hindi na ito nagpakalingon-lingon sa akin. 'Yung first ko! How dare him para kunin ang first kiss ko! Himutok ko nang ma-realize na totoo talaga 'yong halik at hindi guni-guni ko lang. Wala sa sariling paulit-ulit kong hinawakan ang mga labi ko. Hanggang ngayon, dama ko ang malakas na kalab0g ng dibdib ko. "Bakit niya ako hinalikan?" Mahinang tanong ko sa aking sarili. Bakit ka pumayag? Sulsol ng kabilang bahagi ng isip ko. "Hindi ako pumayag! Binigla niya ako." Pero nasarapan ka. "Of course not!" Bakit hindi mo sinampal? "Dahil iniwan na niya ako!" Napatingin sa akin ang

