VALEEN KANINA KO PA gustong kutusan ang sarili ko. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na maya't mayang tingnan o titigan ang leeg ni Samuel sa tabi ko. Pabalik na kami ng Maynila at magkatabi kami sa upuan. Naunang sumakay ang mga kasama namin kaya napilitan kaming magtabi sa dalawang bakanteng upuan. "Hindi mo pa lang nari-realize ngayon, pero bukas makalawa, kusa mong mararamdaman ang pag-ibig sa lalaking may nunal sa leeg." Tila sirang plaka na paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang sinabi ni Kakang Berta. Muli akong lumingon sa katabi ko na busy sa pagtanaw sa labas ng bintana. Sinamantala ko 'yon at pinakatitigan ang leeg niya. Baka hindi naman nunal 'yon at peklat o balat lang. Totoo kaya 'to? Kusang umangat ang kamay ko para hawakan ang leeg niya ngunit bigla itong

