Snow's point of view Hindi ako makapaniwala sa naging resulta, naiiyak ako sa sobrang kasiyahan. Mayaman sina Daddy kung tutusin ay kaya nilang bilhin ang lahat pero nang makita ang result ay parang namamalik mata lang ako. .01 that is very close, si Mariz ay nag walkout at hindi na niya tinanggap ang kanyang award. Sinamahan ako nina Mommy sa stage habang at doon na nag tapos ang patimpalak. Bukas ay mag sign na daw ako ng contract at mga indorsement na daw akong gagawin. "Mag celebrate tayo!" Sigaw ni Mommy. "Sige mag disco tayo." Sabat ni Lola at natigilan kami sa kanyang sinabi. "Lola, magagalit si Buloy. Bakit sa discihan tayo pupunta?" Tanong ni Ate Autumn na tuwang-tuwang kay Lola. "Hindi pa ako naka pasok ng diskohan, sa telebisyon ko lang nakikita." Sagot niya at nagkating

