Buloy's point of view Pagbangon ko pa lang ay agad ko nang hinanap ang aking Lola dahil kagabi ay umalis daw siya sabi ng guard. Pinasundan ni Itay at nalaman namin na may kasintahan daw ito. Parang mapapa-anak ata ako ng maaga sa mga ginagawa ni Lola lalo na at 50 years old ang ka date. Mas bata pa sa kasintahan ni Laurel. "Dumating na ba si Lola Doc?" tanong ko sa aking asawa na kalalabas lang sa banyo. "Oo Mosh tulog pa siya." Nagpatulong akong bumangon, pitong buwan na ang aking tiyan at sinabi ng doctor na ma ceasarean ako dahil hindi kakayanin ng aking katawan ang sabay-sabay na paglaki ng mga babies ko sa aking tiyan. Hindi na ako nag sipilyo pa, nagsuot lang ako ng aking tsinelas at lumabas sa aming kwarto. "Mosh saan ka pupunta?" tanong ni Doc na humabol sa akin. Medyo mala

