Jansen's point of view Ang plano ay plano ay hindi marinig ni Lola ang lahat pero napaaga ang kanyang pagbaba at hindi na namin siya napigilan pa. Malungkot si Lola na napatingin sa mga pamangkin ng kanyang mapapangasawa. Wala ni isa ang makapagsalita sa kanila. "Pinapunta ba ninyo kami sa restaurant na ito para ipahiya ang aking anak at pamangkin?" Masungit na tanong ng kapatid ni Mang Bert. "Tama na, Mame, buloy at Doc ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa at nasabi ng aking mga pamangkin. Malinis ang hangarin ko kay Mame." Sabi ni Mang Bert. "Kuya, ano nga ba ang nagustuhan mo kay Mame? kaedad niya ang ating mga magulang na pumanaw na at baka ikaw pa ang bubuhay sa kanyang apo. Doctor nga ang asawa umuutang naman sa five six. Kumukuh ka lang ng aalagan mo. Mag-isip ka nga isa ka

