Buloy's point of view Hindi ako makapaniwala sa aking narinig na pito ang laman ng aking tiyan. Bigla tuloy ang gwapo ng paningin ko kay Doc na umiiyak pero nakangiti. Hindi ko na pinabalik pa ang kanyang mascot. Paglabas namin sa hospital ay nagdate na muna kami sa isang mamahalin na restaurant. Nakatingin sa kanya ang mga tao dahil sa suot niya pero wala siyang pakialam. Pakaway-kaway pa siya kahit hindi niya kilala ang mga tao kaya nabatukan ko siya. "Mosh, naman." Reklamo niya at inalalayan na niya akong umupo. "Anong gusto mong kainin mosh?" Gusto ko ng puto at dinuguan." "Mosh nasa Italian restaurant tayo." Mahinang sambit niya. "Ikaw nalang ang kakain kung ganun." Inis na sagot ko. "Sige Mosh lilipat nalang tayo." Sabi niya kaya tumayo na kami at nag iwan pa siya ng isang

