Jansen's point of view Binuhat ko na ang aking asawa at pina-upo sa sofa. Kahit sa telepono ay kaaway niya si Lola. Matigas talaga si Lola pinanindigan na hindi niya papalitan ang kanyang damit. Hanggang hapunan ay nagpatigasan ang dalawa pero natalo si Lola dahil na boring daw siya sa kanyang kwarto. Pagbaba niya ay naka suot na siya ng Pikachu na mascot. Hindi man galit ang aking asawa pero nag sasagutan parin sila. Nakikinig nalang kami ng ng sagutan ng dalawa at pinipigilan na mapatawa. Lumipas ang mga linggo at halata na ang paglaki ng tiyang ni Mosh. Naka mascot parin kami pero maninipis na. "Mosh kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko habang nasa kwarto kami na magkayakap habang nanunuod. May contest ngayon si Snow pero hindi na kami naka punta dahil ayaw ni Daddy Natan baka da

