Storm's point of view Ilang buwan na ang nakakalipas ay hindi ko parin makalimutan si Belle. Tapos na ako ng high school at bukas ay desi otso na na ako. "Anak, ang lalim ata ng iniisip mo?" Boses ni Mommy na lumapit sa akin habang naka-upo sa gilid ng pool. Hindi ako sumagot, hinalikan niya ang aking balikat." When you are ready tell me and I will listen." Sabi niya at iniwan na niya ako. Lumusong akong ulit sa pool at pinagod ang aking sarili. Nang nagsawa na ako kalalangoy ay umahon na ako at mabilis na naligo. Habang naglalakad ako papasok sa loob ng bahay ay saktong dumating si Daddy kasama ang kanyang mga bodyguards. "Storm!" Malakas na tawag ni Daddy kaya hinintay ko siya. "Son, tomorrow is your birthday. Ang gusto ng Lolo mo ay sa mansion ka mag celebrate." "Okay Dad." Ti

