Belle's point of view Bakasyon na at sa wakas ay grade 12 na ako sa susunod napasukan. Matatapos na rin ako ng high school. Ang dalawang araw na tumulong ako sa catering service ng magulang ng aking kaibigan ay dama ko pa rin ang pagod. Buong araw na magkasunod kami kasing nakatayo at pagkatapos ay marami kaming binuhat at tumulong pa ako na nag hugas ng mga kagamitan. Sayang naman kasi ang limang libo para allowance ko sa pasukan. Next week ay mayroon na naman daw at tatlong araw na magkasunod kaya seven thousand five hundred din iyon. Si Nanay na daw ang magsasampay ng mga nilabhan ko kaya humiga na muna ako. Pagpikit ko palang ay agad na akong naka tulog. Paggising ko ay parang may mabigat na nakadagan sa akin. Nagsimula na akong kabahan at agad kong iminulat ang aking mga mata. N

