Buloy's point of view Hindi ko na nahabol si Lola dahil niyakap ako ni Inay at pinakalma. "Inay, sino bang nagbigay sa kanya ng mga ganun?" Inis na tanong ko at uminom ulit ng tubig. "Mga kapatid mo ata anak, maloko sila kahit seryosong ang mga kilos." Huminga nalang ako ng malalim, ilang saglit ay nagsidatingan na ang aking mga kapatid at mga pamangkin. Nawala ang inis ko kay Lola na pinapanuod ang maganda at gwapo kong mga pamangkin sayang at wala ang anim na anak ni Kuya Sander. Excited na akong makita ang pitong babies ko na laging nag rarambulan sa aking tiyan kung hindi maganda ang aking araw. "Buloy, pagka-panganak mo pwedeng turuan mo kami ng technique ng isang suntok tulog?" Tanong ni Kuya Light, wala si Kuya Hunter umalis agad pagkatapos ng kasal ni Lola. Si Kuya Dark naman

