Jansen's point of view #The birth of septuplets Nagsisi si Laurel sa pagpapadala ng Video kay Mommy Summer pero huli na ang lahat dahil napaaga ang cesarian ng aking asawa. Walang siyang malay na dinala sa delivery room. Tinawagan ni Mommy Summer kanina ang aking mga magulang at paparating na sila. Mabilis nilang inihanda ang mga kagamitan at tumulong na rin ako na nanginginig ang aking mga kamay dahil parang bumalik sa isip noong isa ako sa nag-opera sa ulo ng aking asawa. Dumating si Daddy at saktong tinawag na ako para pumasok. "Daddy, Daddy Ninong please samahan ninyo ako." Sabi ko na naiiyak sa takot baka kung anong mangyari sa aking mga anak. "Sasama din ba kami Anak?" tanong ni Mommy na naiiyak sa nerbiyos lalo na at unang apo niya. "No Mom, sina Daddy nalang baka kakailangani

