Buloy's point of view Masaya ako dahil maraming gatas ang lumabas sa akin, mabuti nalang at hindi nagkabukol din ang dibdib ko dahil hindi mabilang kung ilang beses itong nasuntok noon. Sa maliit na bote na muna ang anim na kuya dumede ang aming nag-iisang anak na babae muna ang binigay ni Itay para padedehen ko daw. Pinapanuod kami ng aking asawa bahang dumedede ang anak, yumuko ako para itago ang aking mukha dahil mukhang naiinggit siya na parang bata. "Anak, paano pala si Lola" Tanong ni Inay na katatawag lang niya kay Lola Myra at Lola Lara. Huminga ako ng malalim at tumango. Agad niyang tinawagan si Lola at pati narin si Tetay dahil ipinangako ko na tatawagan ko siya kung nanganganak na ako. Pagkadede ng anak kong babae ay kinuha siya agad ni Inay. Mahigit isang linggo na kami d

