Storm's point of view #Storm and Queen Belle happy ending Sa pag-alis ng ama ni at Lolo ni Belle ay sinama nila si Inay. Naiwan naman kami dahil saktong final exam, bago sila umalis ay marami silang bilin lalo na ang Ama ni Belle. "Storm, ang anak ko alagaan mo. Huwag mong papaiyakin at sasaktan. Napahinga ako ng malalim, parang ewan din ang ama ni Belle bakit ko naman sasaktan ang nag-iisang babaeng mahal ko. Nag-iwan siya ng pera pero hindi ko tinanggap. Kaya kong buhayin si Belle at kaya kong pag-aralin siya kahit walang-wala ako. Bukas ay magsisimula na ang aking trabaho. Hindi na ako papasok pa sa paaralan, safe naman na ang aking asawa kaya hindi ko nakailangan pa siyang bantayan. Yumakap sa akin si Inay at mga Lolo at Lola ni Belle. Inihatid namin sila sa airport at nag-iwan n

