Belle's point of view Nang naipaliwanag ng nanay ko ang lahat ay agad akong yumakap kay Lolo. Sa wakas ay may Lolo na rin ako. Medyo alanganin ako sa aking ama dahil kanina pa nahahalata ko na masama ang tingin niya kay Storm. Pero yumakap parin ako kay Itay at gumaan na ang pakiramdam ko. Nagkasagutan man sila ni Storm pero sa huli ay naging okay na din sila. "Here is my key in my room doon na muna kayo matulog at ako na muna ang matulog sa kwarto ninyo." Sabi ni Itay na iniabot ang kanyang key card. "Sigurado ka diyan CJ?" Tanong ni Lolo. "Oo naman Tito." Agad na sagot ni Itay pero sinikmuraan lang siya ni Lolo. "Storm, kung gaano ako kabait na biyanan. Hinahayaan ko kayong magtabi ng anak ko." Sabi ni Daddy at nagsalubong lang ang kilay ni Storm. Kahit naman pipigilan siya ni It

