Summer's point of view Nanlumo ako sa paliwanag ng aking asawa, paano niya naatim na itago ito lahat sa akin. Halos hindi ako makalakad nang umalis kami sa bahay kaya nagpabuhat ako sa aking panganay na anak. "I can't believe your Dad, hide everything about your sibling, son." Naiiyak na sambit ko at yumakap ng mahigpit sa aking anak na panganay habang naka alalay ang pito ko pang mga anak. "Don't worry, Mom, I will find our Sister." Sabat ni Adam na hawak ang kanyang laptop. "Magkano naman ang singil mo kay Mommy?" Tanong ni Tine sa kapatid. "Kung si Mommy, for free." "What! ang unfair mo naman kay Daddy, noong pinahanap ako nagbayad siya saiyo." Sabat ni Nat at nagsalubong ang aking kilay. "Lambing ko lang iyon kay Daddy." Sagot ng aking anak. "Anong pinahanap Nat?" Tanong ko a

