Brianna's point of view Habang nasa daan kami ng aking mga tauhan ang tumawag ang aking kamay na may nakuha daw silang babae na bata at maganda. Nagulat ako ng sabihin niyang anak siya ng General kaya agad na pumasok sa isipan ko si Natan. Nakaganti na ako sa pamamahiya niya sa akin noon ng ilang beses at wala na akong pakialam pa sa kanya. Ang kukunin ko nalang ay ang batang ipinalit ko sa pinapatay kong anak niya. Hindi pa ako tapos sa paghihiganti kay Amelia, baliw na siya ngayon pero gusto kong mabaliw siya ng pauli-ulit sa gagawin ko sa kanyang anak. Lumakas ng pwersa ni Natan at mas lalong yumaman ito kaya mahirap siyang kalabanin. Kung isa sa anak niya ang nakuha nila ay ibalik ko na lang. Masaya na ako sa aking buhay at ayoko nang makalaban pa siya. Pagdating namin ay sinalubong

