Dalawang buwan nang nandito si Axues sa Davao pero hanggang ngayon ay wala parin siyang lead kung nasaan ba ang dalaga. Pero, di parin siya nawalan nang pag asa. Patuloy parin ang pag hahanap niya. Nasa restaurant siya ngayon sa loob nang isang mall. Napa ungos siya habang hinihintay niya ang kanyang order. Hanggang sa nahagip niya ang pagmumukha ni Giovan na dati niyang tauhan sa kompanya. Ngunit natulos siya sa kanyang kina uupuan nang makita niya kung sino ang kasama nito. Si Ruby ang matalik na kaibigan ni Maya. Kaya dali-dali siyang tumayo at dinampot niya ang kanyang jacket na nasa upuan at bilis niya itong sinundan. Mga ilang paliko lang at dahil dagsa din ng tao ang mall. Bigla nalang nawala sa paningin niya ito. "Shiiiiitt." Mura niya nang di na niya ito naabutan. Mara

