Naghintay pa ng ilang minuto si Axues sa kanyang sasakyan di muna siya bumaba. Nasa ilang minuto pa ay, napansin niyang may sasakyan na ka ka bago pa lang dumating. Mariin niya itong tinitigan. Maya-maya pa ito'y nag bukas na ito nang pintuan. Nakita niya agad si Ruby. Kaya minabuti na niyang bumaba, matagal silang nag sukat nang tinginan. Pero nauna nang bumawi si Ruby at yumuko ito. "Follow me." Saad nito sa kanya at agad tumalikod at nag lakad papasok. Naka sunod lamang si Axues sa kanya, kasabay narin doon ang palinga linga niya. May nakikita siyang mga kababaihan doon. May nag lalaro, nag aaway, nag sisigaw, at nag iiyakan. Na ang siyang dahilan na mas lalo siyang naguguluhan. Biglang huminto si Ruby sa paglalakad kaharap doon ang isang pinto. At muli itong umikot sa kanya

