Nang natapos si Maya na maligo. Umayos siya sa kakahiga habang balot ang katawan niya sa comforter. Kakarating lang nilang dalawa. Marahan niyang pinikit ang kanyang mga mata. Maya-maya naramdaman niyang pumasok na si Axues sa silid dahil sa narinig niya ang pagbukas nang pinto. Pero nanatili paring pikit ang kanyang mga mata. Marahan itong tumabi sa kanya, at naamoy niya ang pag buga nang hininga ni Axues na amoy alak. "Umiinom siya, bakit?" tanong niya nito sa sarili. Pinakiramdaman niya ang binata, na pakiwari niya ay tinitigan siya nito. Kaya minabuti niya nang mag panggap siya na natutulog. *** Nagising si Maya na wala na si Axues sa tabi niya kaya bumangon siya at agad nag tungo sa banyo para maligo. Nang natapos siya, agad siyang nag tungo sa closet at pumili nang masusuot

