bc

" I love you, good bye. "

book_age18+
17
FOLLOW
1K
READ
drama
like
intro-logo
Blurb

Ara, 18 years old, taking a course of Pyschologist in Angel Don University in Alabama, United States. And, a 20 years old freshmen student taking an Engineering course .

chap-preview
Free preview
" I LOVE YOU, BUT YOU LIED"
Hi. Ako nga pala si Ara, I have a boyfriend who names Mike. If idescribe ko siya he is so handsome, kind, loyal, sweet and super clingy. He loves to spoil me with his lambing and attention, we're going 4 years, he never fails to remind me na ako lang mamahalin nya for the rest of his life, KAMPANTE AKO although lagi naman nya pinaparamdam na wala syang ibang babae or wala syang pake sa iba. Live in din kami sa condo nya kaya kampante talaga ako na di nya ako lolokohin kasi lagi na nga kami magkasama at ramdam kong kami na talaga sa habang buhay. When it comes in relationship, we're not perfect. Nag-aaway rin kami. Sa loob ng almost 4 years umiyak kami, nasaktan, pero sa huli nagpapatawad at nagkakaayos agad. I'm a 4th year college student, graduating na ako sa kursong Nursing, habang siya naman eh nakapagtapos na at ngayon isa nang ganap na Engineer. We have our own business na din. My parents live in Alabama, US. And his parents are living here in PH. Sa loob ng almost 4 years na pagsasama namin ni Mike, maraming problema and temptations ang dumating samin pero dahil mahal namin ang isa't isa hindi kami nagpadala at nalalagpasan namin yun nang magkasama. I feel so lucky to have a Man like him, masasabi ko talagang siya na. Not until our 4th anniversary comes... I've already booked a flight going to Boracay, naalala ko kasi dream beach destination nya yon. Palagi niya sinasabi na gusto niya pumunta dun with me kapag hindi na sya sa busy sa work and business namin. So, dahil nakapag-ipon naman na ako bumili ako 2 tickets at hindi nya yun alam dahil gusto ko siya isurprise. January 9, 2019, 1 day before our 4th anniversary. Kakauwi nya lang galing work. And this our Convo goes.. Me: Hi love! Nandyan kana pala. May sasabihin ako sayo for sure sasaya ka dito. ( tried to kiss him but he refuses) *Nagulat ako Hindi naman siya ganun kapag hahalikan ko, minsan nga sya pa ang unang hahalik sakin pag uwi nya pero bakit ganon.. Him: Sorry love, pagod ako.. gusto ko na matulog. Pwede bukas na lang? Me: Pero 4th.. ( hindi ko na natuloy) Him: Love, please.. Ang dami ko ginawang paperworks kanina. Pagod talaga ako. Me: O--kkayy. Kain ka muna bago ka magpahinga love Him: Busog pa ako. ( pumasok ng kwarto) Me: Okay love (face palm) Dati, pag-uwi nya galing work hahanapin na niya ako agad para halikan at yakapin.. sabi niya kasi sa araw araw na pagod nya ako ang PAHINGA NYA. Hindi ko alam bakit naging ganun siya, nakakagulat, nakakapagtaka at syempre nakakalungkot. Iniisip ko nga na baka prank nya lang yun sakin na umakting ng ganon. Hindi ko alam. Magulo. Di ako sanay. January 10, 2019 ( OUR 4TH ANNIVERSARY) Pagkagising ko, wala na sya sa tabi ko, wala na rin ang bag nya kaya for sure pumasok na yun sa work. Ang lungkot kasi before sya pumasok ng work ang routine nya is gisingin ako para lang magpaalam at lutuan ng paborito kong almusal. Pero this time, WALA. Hindi ko alam bakit nagbabago. 4pm ang flight namin, hindi ko pa rin alam kung paano sasabihin sa kanya about dito dahil nga sa ganung nangyayari na para bang nagbago na ang lahat sa amin. Ayoko na rin naman sya tanungin kung ano problema dahil sa kilala ko siya, never sya magsasabi sakin. I cancelled the flight and they refund my payments. Nagplano na lang ako na sunduin sya sa work para kumain na lang sa paborito nyang restaurant which is ganito naman ginagawa namin non every monthsary and anniversary, since wala rin naman akong klase ngayong anniversary namin kaya I deciced to date him na lang. Dali dali na akong nag-asikaso para sunduin sya. 6:00 pm nag-book na ako ng grab. 8:00 pm ang out niya sa work. Tinitext and call ko sya pero hindi siya sumasagot. Also tru messenger he never replied. Inisip ko na lang busy pa. 7:30 pm nakarating ako. Naghihintay ako sa starbucks which is tapat lang ng office nya. Nakita ko yung ka-workmate nyang si Jen, so I tried to talk to her and kamustahin na rin. This is how our convo goes.. Me: Uy Jen, kaw pala yan. Musta? Her: Oh Ara, Im good. Gawa mo dito?(smiles) Me: Good to know. Hmm, hinihintay ko si Mike. Her: Oh? Di pa ba kayo nagkita? I thought you are the girl inside the car. Me: Huh? Magkikita pa lang kami Jen. Her: Sorry Ara, may nakita kasi ako kaninang babae na sinakay nya sa car eh. I thought ikaw yun. Sige Ara, pasok nako ulit ha.. coffee break lang kasi ako haha! Nice to see you again. Me: (smiles) Hindi ko alam gagawin ko that time, natataranta ako. Sino yung babaeng nakita ni Jen? Ang gulo. Niloloko niya ba ako? Ang dami pumapasok sa utak ko. Im trying to call and text him, pero wala pa ring response. Nag-decide akong umuwi, nagkulong sa kwarto't umiyak sa kakaisip kung ano yung sinabi ni Jen. Nakaka-praning. 10:00 PM, he replied. Nagtext sya at sinabi nya sa akin na mag-oovernight sya sa bahay ng kaibigan nyang si Marco dahil niyaya daw sya nitong mag-inom. Marami ako iniisip, hindi na ako nag reply. So, dahil kilala niya ako na malaki ang tiwala sa kanya hindi sya mag iisip na baka magtanong ako sa mga tropa niya, sa loob kase ng 4 yrs never ako nagtanong sa mga tropa niya if totoo ba ang pinapaalam nya sakin or whats kasi nga sobra ang tiwala ko sa kanya. Pero dahil nga may hinala ako ngayon, I tried to ask Marco if totoo bang may set sila.. Chinat ko si Marco, agad naman syang nagreply at sinabing wala silang set ngayon kasi busy rin sila sa work. Naghinala ako lalo. Nag-isip ako lalo. Naiyak ako. Ngayon lang to nangyari sakin. sa amin. Bakit ganto? Umuwi si Mike, 10AM. Kinamusta ko siya pero ang sabi nya gusto nya matulog kasi pagod sya at may tama pa daw ang alak sa kanya. Sinungaling. Bago sya pumasok ng kwarto, bumulong ako at sinabing kinalimutan nya ang anniversary namin.. Sumagot lang sya ng " sorry Ara, busy eh.. bawi na lang ako sa susunod" pumasok na sya ng kwarto't natulog. That was the first time he calls me by my name. Naiiyak ako sa lungkot kasi hindi naman ganto ang takbo ng relasyon namin ni Mike, kahit busy nuon ay nagagawa pa rin namin mag date at magkaroon ng time as a partners. 1:00 PM, gumising si Mike habang nagluluto ako ng lunch namin, nagpaalam sya na may meeting sya ng 3:00PM. Nagmadali ako para mahanda ko agad ang lunch nya pero ang sabi nya wag na lang dahil dun na lang daw sya kakain sa office. Hinayaan ko na lang. Nag ayos na siya't umalis. Nagbago na talaga siya. Hindi na siya si Mike na dating nakilala ko. Nakakalungkot. Nawalan ako gana kumain kaya nag-decide ako mag shopping para malibang ako. Pumasok ako sa isang jewelry store para mag window shopping, nakita ko si Mike. Nakatalikod pa lang eh kilala ko na. Hindi ako nagpakita, ang nasa isip ko lang that time eh gusto ko siya sundan. Bumili siya ng kwintas. Pero hindi ko naisip na para sa akin yun, butterfly is my favorite pendant, alam niya yun. Pero gold heart pendant lang ang binili niya. Naghinala ako lalo. Sinundan ko sya makasakay ng kotse then I booked a taxi and sinundan ko sya. Pumasok siya sa isang restaurant. Dali akong pumasok at nakita ko siya sa isang table na naghihintay, agad naman akong umupo sa kabilang table at minamasdan sya. Inisip ko na baka yun na nga ang meeting na sinasabi niya. Pero lagpas 3:00 PM na. May dumating na magandang babae, sexy, at makinis, walang wala ako. Tumabi kay Mike at bumeso pa ito. Nasaktan ako sa nakita ko ngunit pinagmasdan ko lang sila. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, binigay ni Mike ang kwintas na binili niya at sinuot pa sa babaeng iyon. Kitang kita ko yung saya ng babae. Ang sakit. Hindi ko kinaya at naiyak ako. Dali ako umalis ng restaurant at sa kamalasan nakita pala ako ni Mike. Hinabol niya ako at nung naabutan nya ako naki-usap sya na hayaan ko siyang magpaliwanag. Him: Ara, please.. let me explain. Me: Explain? Para san? Mike ano ba! Wag mo naman ako gawing tanga. Him: Please, Ara. Kung ano man nakita mo wala lang yun.. Me: Wala lang?! Mike, alam mo ba sinasabi mo???? Naiyak ako ng sobra sa galit, lalo na sa sakit. Wala ako pakialam sa mga nakakakita sa amin dahil ang nasa isip ko lang ay nasasaktan at nagagalit ako sa taong mahal ko. Him: Ara naman, please im sorry kung nasaktan ka pero sana naman hayaan moko magpaliwanag.. ( cries ) Me: Mike, wala naman ako ginawa...naging mabuti akong girlfriend alam mo yan.. Him: Ara... Me: Pero ano ginawa mo sakin? Niloko mo ako!! Malaki ang tiwala ko sayo Mike diba? Never ako naghinala sayo alam mo yan pero ano ginawa mo???? Ano???? Him: I'm sorry Ara... Please, wag kana umiyak... Me: Wag umiyak??? Mike, sinaktan mo ako... 4th anniversary natin kinalimutan mo pero pinalampas ko mike.. ang sakit sobra. Him: ARA, IM REALLY SORRY PLEASE BABAWI AKO Me: No. Bumawi ka sa babae mo kung sino man yan. Him: Ara, please ikaw lang gusto ko. Me: (Sinampal ko siya) Ako lang gusto mo? Pero ginago moko. I don't deserve you Mike. Him: Ara please..... Tumakbo na ako't umuwi. Nagligpit ako ng gamit para umalis sa condo niya at nag check in muna sa isang appartelle for a few days. He trying to reach me out pero binlock ko siya. 3 days later, sariwa pa rin sa utak ko lahat ng nangyari. Ang sakit pa rin isipin na magagawa kang lokohin ng taong akala mong makakasama mo na sa dulo. Inunblock ko si Mike at tinawagan ko siya. Kinamusta niya ako and tinatanong kung nasan ako. Di ako sumagot, basta ang sinabi ko lang na magkita kami. Pagkadating ko sa meet up place namin, nakita ko syang nakatingin agad sakin. Agad ako pumunta. He tried to kiss me but I refused. Nagtanong sya sa akin kung okay na ba ako pero wala ako maisagot. "Mike, this is our closure.. ayoko na, tama na yung nakita ko, niloko mo ako.. sapat na yun para sumuko ako. " He started to cry. " Ara, patawarin mo ako please? Hindi ko sya mahal.. Ikaw ang mahal ko Ara. " Umiyak ako habang nakatingin sa kanya sabay sabing.. " Mike... kung mahal mo ako hindi mo kailanman magagawa saking lokohin ako." "Pero, Ara.." " Okay na. Nangyari na eh. Tanggap ko na. Hindi ka nakuntento, hindi ako naging sapat. " " I'm sorry.. " " Sorry din kasi siguro para sayo nagkulang ako kaya naghanap ka ng happiness sa iba" " No... Ara. Never ka nagkulang sakin" " Then why did you cheated?! " Ang hirap isipin kung ano ginawa mo bakit ka nagawang lokohin although ginawa mo naman lahat to be a better partner, I did not cheat, I gave my best. But why? Sabay na kami umiiyak, hindi na alam ang mga gustong sabihin hanggang naisip kong magsalita muli.. " Mike, uuwi na lang ako sa US. Dun ko tatapusin pag-aaral ko, Kaw na bahala sa business natin dito, kaya mo na yan.. may tiwala ako sayo. Ipagpatuloy mo yan para sa akin.. " " Ara hindi ko kaya nang wala ka please" " Alam kong kaya mo, Mike." " Please..." Tumayo na ako. Niyakap ko sya. Yakap na sobrang higpit. " Kasalanan ko lahat, Ara. Wag mo ako iwan, nag-mamakaawa ako" Bumitaw ako sa pagkayakap naming dalawa at sinabihan ko siya na kalimutan niya na ako pati ang pinagsamahan namin. " Ara, i love you " " I love you too, Mike. But, you lied. " "Nagsinungaling ka na ako lang ang babaeng mamahalin mo sa habang buhay". There's no second chance in cheating. Nagpaalam na ako at umalis at yun na ang huli naming pagkikita. ----- 2 months later, naka-uwi na ako ng US at masayang kasama ang aking family. Alam na rin nila ang tungkol sa break up namin ni Mike. At tinanggap nila yun. Dahil sa love and concern nila sa akin ay nahilom agad ang sugat. Naka-move on na ako kahit papano. Wala na ako balita kay Mike. Naging masaya na lang ako sa buhay ko kasama ang pamilya ko. Nakagraduate na rin ako sa wakas, at magiging ganap na ako na Nurse, soon! Soon, makakatagpo ako ng lalaking kaya akong dalhin sa habang buhay.. hindi man yun si Mike pero ganun talaga ang tadhana. sana, this time.. ang lalaking matagpuan ko hanggang dulo na. Love, Ara.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook